Nakapagpasa raw ng batas habang nasa Bilibid… SEN. ROBIN, PINATUTSADAHAN NI VICE
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 17, 2026

Photo: FB Vice Ganda & Robin Padilla
Todo-biruan sina Vice Ganda at Vhong Navarro sa It’s Showtime (IS) nang mapansin ni Vice ang kasuotan ni Vhong na ginaya ang look ni Robin Padilla.
Ani Meme, “Hiniram mo pa talaga ang costume ni Robin Padilla sa Kung Sino Ka Man.’”
Bigla namang kumanta si Vhong at ginaya rin ang sinabi ni Binoe na “My goodness!”
Buwelta ni Vice, “Galing talaga nito, ‘no?”
Tanong ni Jhong Hilario, “Bakit... bakit?”
Sey ni Vice, “Nakakapagpasa ‘yan ng batas sa Bilibid!”
Hagalpakan naman ang mga nasa loob ng studio.
Ang nasabing biruan nina Vhong at Meme Vice ay ipinost ng isang netizen sa Threads, kung saan umani rin ito ng samu’t saring komento.
Sey ng mga netizens:
“‘Magaling talaga ‘to, nakakapagpasa ‘yan ng batas sa Bilibid,’ ikaw talaga, puro ka kalokohan.”
“The shade. Get him, Madam.”
“Napanood ko ‘to, tawang-tawa ako. Hahaha!”
“Sunog! Na-real talk ka tuloy, Mariel.”
“Ano kaya’ng sey ni Aling @marieltpadilla.”
“Baka ma-real talk pa s’ya lalo ni Meme ‘pag minalditahan s’ya.”
May nagsabi namang may maa-unfollow na naman daw si Mariel.
Huh? Sana ay wala nang ganoon. Dati silang magkakasama sa IS at alam ni Mariel kung paano magbardagulan ang mga hosts ng noontime show.
Just saying!
Bukol sa leeg, agaw-pansin…
ANNE, AYAW I-SHARE SA PUBLIKO ANG PINAGDARAANAN
Maraming nag-aalala sa kalusugan ni Anne Curtis matapos mapansin ng ilang mga netizens ang umano’y bukol sa kanyang leeg.
Bagama’t sinabi ng aktres na hindi siya komportable na pag-usapan ang isang pribadong bagay, tiniyak niya sa mga tagahanga na wala silang dapat ipag-alala.
“It is not something I would like to talk about. I would like to keep things I am going through privately. But to anyone concerned, I am doing okay,” aniya bilang latest ambassador ng Zion.
Binigyang-diin pa ng It’s Showtime (IS) host na lagi niyang prayoridad ang kanyang kalusugan at regular siyang nagpapa-checkup.
“It is very important you listen to your body. If there is anything I want to share, when you reach a certain age, do executive checkups and invest in your health. That is why I like Zion, you can do it in your home—red light therapy, cold plunge, sauna, it is an investment but health is priceless,” wika niya.
Sey ni Anne, “Yearly, I get checkups. It is important. We say mag-start at 40 but I have been doing it since my thirties.”





Comments