Nakapaglaro rin si Sotto, umambag ng 6 pts at 3 blocks
- BULGAR
- Jul 15, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | July 15, 2023

Sa wakas ay nakapagpakitang-gilas sa NBA Summer League si Kai Zachary “Kaiju” Sotto para sa Orlando Magic na nakapag-ambag ng puntos subalit hindi sapat para muling matikman ang ika-apat na sunod na pagkatalo kontra Portland Trail Blazers, 71-88 kahapon sa Thomas and Mack Centre sa Las Vegas, Nevada.
Nabigyan ng 13:23 minutos ang 7-foot-3 Filipino center na nagrehistro ng 6 puntos, 4 rebounds at 3 blocks para sa debut game kasunod ng tatlong larong pagkabangko matapos pagdesisyunan ni coach Dylan Murphy na hindi paglaruin, kung saan lahat ay nagresulta sa pagkatalo.
Nangapa man sa unang pasok sa laro ang 21-anyos na Gilas Pilipinas nang tawagan ng three-second defensive violation. Naglaro ito ng 5:37 minuto sa first half, ngunit mas naging impresibo sa final half ng laro at nakapagtala ng 6 puntos na ikinahanga ng Pinoy fans.
Nakasalpak ng matinding dakdak mula sa 3-of-7 field goal shooting mula sa bench kabilang sina top draft picks na sina Anthony Black at Jett Howard.
Nanguna sa iskoring para sa 0-4 kartada ng Magic si Dexter Dennis sa 16pts. Umaasang makakakuha ng two-way contract si Sotto sa Orlando upang maging kauna-unahang homegrown player mula sa Pilipinas na makapaglaro sa NBA. Minsang nabigo si Sotto na mapili ng anumang koponan sa nagdaang 2022 NBA Draft, upang maging free agent ito at undrafted, dahilan para bumalik sa dating koponan sa Australian NBL sa Adelaide 36ers kung saan nagwagi ito ng dalawang beses na NBL Fans MVP ng magkasunod.
Hinihintay din ang serbisyo nito sa Gilas Pilipinas para maglaro sa 2023 World Cup kasama si Clarkson.








Comments