top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakamamatay ang salot na sugal

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2022
2 min read

ni Fr. Robert Reyes - @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | March 6, 2022



Naalala pa natin ang kampanyang sinimulan ko sa parokya noong 2003. Sa ating pag-iikot sa iba’t ibang kalye ng parokya, napansin natin ang nakababahalang eksena ng iba’t ibang uri ng sugal na nagaganap sa mga kalye at tahanan. Alam ng marami na merong mga ordinansang ipinagbabawal ang sugal sa kalye maging sa mga tahanan.


Malinaw sa mga ordinansa ang pananaw ng lokal na pamahalaan sa sugal. Hindi ito maganda at makabubuti sa pamilya o pamayanan. Hindi ito maituturing na magandang hanapbuhay dahil hindi ito nakabatay sa sipag, galing at wagas na pagsisikap na kumita para sa ikabubuti ng sarili o ng pamilya. Sa halip na sa sipag, sa suwerte umaasa ang sugal.


Sa halip na pagtitiyaga, sa mababaw na pakikipagsapalaran nakasandal ang paglaro at pagtaya sa anumang sugal. Alam din ng lokal at pambansang pamahalaan ang masamang epekto sa magandang ugnayan ng pamilya at sa kabuhayan ng sugal.


Ilang pamilya na ang nawasak nito? Ilang kabuhayan ang nawala maging ang anumang pondo na dapat lang itinatabi para sa mga hindi inaasahang gastos. Dahil sa mga nabanggit na pananaw at pagsusuri sa epekto ng sugal, umikot tayo at nagsalita sa mga burol ng patay na pinaligiran ng mga saklaan.


Kinausap natin ang mga nagpapasakla at ang mga nagsasakla na sana’y huwag namang daigin ang diwa ng panalangin at pagluluksa para sa yumao.


Ibang usapan pa ang sugal bata. Napakarami ng sugal bata, tulad ng kara y krus, sabong ng gagamba, gulong-goma, jolens, teks at marami-rami na ring natuto ng e-games at online betting para sa mga bata. Mabilis ang pagdami ng sugal bata dahil maaaring maging sugal ang anumang simpleng laro kapag hinaluan ito ng pustahan. At siyempre, naroroon din ang sugal-kabataan, tulad ng pustahan sa basketball.


Maglalaro ang kabataan ng basketball na magtatapos sa inuman na ang magbabayad o taya ay ang mga natalo. Kung sport ang mga natalo, sa tawanan lang at masayang tunggaan mauuwi ang katapusan ng laro. Kung hindi naman sport ang mga naglaro, lalo na ang mga natalo, hindi na aabot sa inuman dahil nauna na ang suntukan.


Salamat sa COVID-19 merong ibang pandemya ang ipinanganak. Isang napakatinding virus na hindi lang katawan ang pinapatay, kundi ang isip, diwa at kaluluwa ay ang sobrang sikat at popular na e-sabong. Dahil bawal nang pumunta at pumusta sa pula o sa puti sa mga sabungan, nauso na din ang online o e-sabong. Napakaganda nito para sa mga sabungero dahil mula sa kani-kanilang tahanan ay maaari nang tumaya ang mga sabongero sa kani-kanyang suwerteng manok.


At maaari nang tumayang one to sawa dahil hindi mo na kailangang lumayo at magdala ng baon at ang iba pang kailangan mo tulad ng karaniwang kailangang dala mo sa sabungan. At tulad ng mga lubhang naadik na sa anumang nasa internet, maaaring magdamagang walang tayuan ang pagsusugal.


Ito marahil ang dahilan kung bakit labis na naging popular ang sugal na e-sabong na napakalaking salapi ang kinikita ng mga may-ari at operators nito. Ngunit, bakit kailangang mawala ang 31 lalaking nagtatrabaho o sangkot sa e-sabong bilang mga handlers, aides, helpers o maliliit na manungal na maaaring “game fixers” o manyonyope mula enero noong nakaraang taon hanggang ngayon?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page