top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nakalikom daw ng milyones para sa mga binagyo...

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2020
2 min read

VICE SA MGA NAG-DONATE: 'DI KO PAG-IINTERESAN ANG PERA N'YO!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 23, 2020




Isinara na ni Vice Ganda ang kanyang donation drive para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Umabot sa P1,548,029.09 ang halaga ng kanyang nalikom at lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga nag-donate.


"Thank you madlang people sa mga nakiisa sa ating Fundkabogable donation drive na nakalikom na ng total of P1,548,029.09. Isa at kalahating milyon ang naging halaga nu'ng pinagsama-sama ang mga donasyon n'yo, mga madlang people, little ponies ko, babies ko, supporters, family, friends, followers. Maraming-maraming salamat po," pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime last Friday.


"Pera n'yo po 'yan, hindi po sa akin 'yan. Idinadaan n'yo lang po para ako ang maghatid sa kanila. Kaya congratulations, mabuhay kayong lahat,” dagdag pa ng TV host.


Ipinaalam din ni Vice na kahit sarado na ang proyekto ay may nagpapadala pa rin via GCash kaya naman dadalhin na lang daw ang mga natirang pera sa Sagip Kapamilya. Nilinaw niyang hindi niya i-scam-in ang pera.


"Alam mo, nag-close na kami kagabi nang 12 midnight pero may nagpapadala pa rin hanggang kanina, may nakikita kaming dumarating pa rin. Kaya sabi ko, paano 'yun iko-close, 'di pala nako-close ang G-Cash.


"Kaya sabi namin, pagkatapos namin ng drive, 'yung matitira, ididiretso namin sa Sagip Kapamilya.


“Huwag kayong mag-aalala, wala pong matitira sa akin, 'di ko po gagamitin 'yan. Kung kilala n'yo akong tao, 'di ko kayo i-scam-in. Kaya makakaasa po kayo na makakadiretso po 'yan sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong at donasyon,” sey ni Vice.


Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap pa ng pamba-bash si Vice Ganda dahil sa ginagawa niyang paglikom ng pera. Komento ng mga netizens, dapat daw ay sarili niyang pera ang itinutulong niya tulad ng ginagawa nina Willie Revillame, KC Concepcion, Heart Evangelista atbp. na nagbebenta ng kanilang gamit.


Sinagot naman ito ng TV host na may sarili rin siyang donasyon na ibibigay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page