Nakakabilib si Robin Hood
- BULGAR
- Aug 1, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 1, 2022
Pinabilib ni Robin Hood ang kanyang mga tagahanga matapos nitong manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Basilio Guce, inirehistro ni Robin Hood ang impresibong tiyempo na 1:23.6 minuto sa 1,400 meter race.
Pag-aari ni Zandy Javier, hinamig ni Robin Hood ang added prize na P10,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Sinunggaban agad ni Robin Hood ang unahan sa largahan subalit kinapitan siya ni Beli Bell na nirendahan naman ni dati ring PSA-JoY awardee, Jonathan Basco Hernandez.
Nagtagisan sila ng bilis muli umpisa hanggang sa dulo at pagkatapos ay nanalo si Robin Hood ng may dalawang kabayo ang layo sa nasegundong Beli Bell.
Tumersero si Doktora habang pumang-apat si Kiss Muna. "Habang tumatagal humuhusay si Robin Hood, basta maganda palagi ang paghahanda, mahihirapan sila riyan balang-araw."
Samantala, hindi naman binigo ni Greatest Joy ang kanyang mga tagahanga matapos nitong manalo sa isa pang PHILRCOM-RBHS na inilarga ngayong araw.





Comments