Nakahanda na ang lahat sa PHILRACOM Presidential Gold Cup
- BULGAR

- Dec 20, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 20, 2020
Puspusan ang ginagawang paghahanda nang mga kalahok sa PHILRACOM 2020 Presidential Gold Cup na aalagwa sa Dec. 27,2020 sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI) sa Carmona, Cavite.
Masasabing pawang magagaling ang mga kasali sa karera ng taon ang Presidential Gold Cup dahil labanan ng mga kampeon.
Ang mga kalahok na Heneral Kalentong, Union Bell, Boss Emong, Princess Eowyn, Real Gold, Super Sonic at Super Swerte ang siyang binibigyan ng malaking panalo. Ang ibang kalahok ay Electric Truth, Pangalusian Island, Patong Patong, Shanghai Grey, Summer Romance, Toy for the Big Boy,V ictorious colt at Wonderland ang kasamang banta sa unahan.
Inaasahan na mababawasan ang mga kalahok kapag hindi nakitaan ng inam sa ginagawang ensayo bago maganap ang laban sa susunod na linggo.
May nakalaang P3-M ang nasabing karera na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Ang kampeon ang magkakamit ng P1.8-M habang ang 2nd place ay magtatamo ng P600,000, mag-uuwi ng P300,000 ang 3rd place samantalang makatatanggap ng P150,000 ang 4th place at may pampalubag-loob sa 5th place na tatanggap ng P90,000 at tatanggap ng P60,000 ang 6th place.
Tatanggap ang horsebreeder ng P100,000 sa sinumang tatanghaling kampeon. Sinabi nang mga kalahok na walang nakakasiguro dahil pawang kampeon ang mga ito.




Comments