top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Naka-Quarantine si P-Digong, ingat Senior Citizen pa naman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 04, 2022



SUMUGOD na ang 3,000 US troops sa Ukraine.


Reserbang puwersa ito kontra Russia!


◘◘◘

WALA nang atrasan ‘yan.


Tiyak na magpapalakas din ng puwersa ang Russia kontra US at NATO!


◘◘◘


SA kaunting pagkakamali, maaaring biglang magkagulo sa Europe.


Ang lockdown ay puwedeng mapalitan ng Martial Law!


◘◘◘


MULING nag-aalboroto ang Bulkang Taal.


Bago mag-pandemic, sumabog ang Taal.


Ngayon, naglalaho ang COVID-19, nagpaparadamdam din ang bulkan!


◘◘◘


HINDI nauubusan ng krisis ang ‘Pinas.


Maaaring maglaho ang COVID-19, pero ang krisis sa ekonomiya ay hindi maglalaho na parang bula!


◘◘◘


DAPAT paghandaan ng gobyerno ang anumang krisis, kalamidad o digmaan.


‘Yan ay nananatiling banta sa ating buhay!


◘◘◘


BAKIT hindi iniimbestigahan ng Senado at Kamara ang mga nawawalang sabungero?

Dedma rin ang PNP.


Takot ba sila sa mga suspek?


◘◘◘


MAGING ang media ay walang kongretong pagsasaliksik kaugnay ng mga nawawalang sabungero.


Fake news ba ‘yan o totoo?

◘◘◘


KAAWA-AWA naman ang mga kaanak ng nawawalang tao.


Hindi naglalabas ng anumang pahayag ang PNP, PAGCOR, GAB at Palasyo.


Eh, bakit?

◘◘◘



ISINAILALIM sa quarantine si P-Digong.


Na-expose siya sa nagpositibo sa COVID-19!


◘◘◘

PERO, senior citizen si P-Digong.


Dapat ingatan niya ang kanyang kalusugan.


Hindi nakatitiyak ang sinumang sa naturalesa ng Omicron virus!


◘◘◘


MARAMI ang tinamaan ng COVID-19, pero nakaligtas naman.


Pero, marami rin ang natuluyan!


◘◘◘


MABILIS na bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.


May pakiramdam tayo na ang kalahati ng datos — ay hindi totoo!


◘◘◘


KORUPSIYON ang dahilan kung bakit dinadaya ang datos sa COVID-19.


May malaking badyet kasi kaugnay ng COVID-19.


Gets?

◘◘◘

MALAKI na ang chance na makatikim ng face-to-face classes ang mga estudyante bago matapos ang school year.


Makakatikim ng graduation march ang inyong mga anak!


◘◘◘


DALAWANG taong hindi nagkikita ang mga titser at estudyante.


Paniwalaan-dili ito, pero totoo!

◘◘◘


MARAMING eskuwelahan ang nalugi at nagsarado.


Pero marami rin ang nagkamal ng salapi.


Hindi bumaba ang tuition — kahit hindi nagamit ang pasilidad ng eskuwelahan.


Kahit sarado ang gusali, naniningil ng miscellaneous at laboratory expenses.


Tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page