top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Naka-double parking, lisensya suspendido... Kotse, nasagi ng fire truck

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 14, 2026



Fire truck at kotse - VIral video - Circulated

Photo: VIral video - Circulated



Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) nang 90 araw ang lisensya ng driver ng isang itim na sedan na nasagi ng rumerespondeng fire truck sa Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati City noong Sabado, Setyembre 12.


Naging viral sa social media ang insidente matapos makuhanan ng video ang fire truck na dumaraan sa masikip na bahagi ng kalsada habang patungo sa isang sunog.


Batay sa paunang impormasyon, nahirapan ang fire truck na makadaan dahil sa mga sasakyang nakaparada o naka-double park sa magkabilang gilid ng kalsada.

Sa pagtatangkang makalusot sa masikip na espasyo, nasagi at nagitgit ng fire truck ang gilid ng nakaparadang itim na sedan.


Agad namang nagpatuloy sa pagresponde ang mga bombero sa sunog.

Ayon sa mga ulat, kontrolado na ang sunog nang makarating ang mga rumespondeng bumbero at usok na lamang ang kanilang inabutan.


Kasunod ng insidente, nagpalabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver

at rehistradong may-ari ng sedan.


Pinatatawag sila sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO sa Setyembre 18, 2026 upang magsumite ng kani-kanilang sinumpaang salaysay o sworn explanation kaugnay ng insidente.


Bukod dito, ipinataw ng LTO ang 90-araw na preventive suspension sa lisensya ng driver habang isinasagawa ang imbestigasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page