Naka-angkas sa motor... Misis, binangga ng kotse ni mister, patay

ni BRT @News | September 10, 2026

Photo: COCPO TEU - Cagayan De Oro
Nasawi ang isang babae matapos umanong banggain ng kanyang mister na naka-kotse ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Brgy. Kauswagan sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental. Malubha namang nasugatan ang rider ng motorcycle taxi kung saan angkas ang biktima.
Mapagkakamalan pa umanong ordinaryong aksidente ang nangyari sa kotse ng suspek na bumangga sa isang tindahan, isa pang kotse, at isang motorsiklo na pumailalim.
Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), nasawi ang babaeng pasahero sa motorsiklo, habang malubhang nasugatan ang rider nito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na mister ng nasawing babae ang driver ng kotse na nakabangga sa motorsiklo.
Ayon kay Police Major Emilita Simon, COCPO spokesperson, inihayag ng mga kamag-anak ng biktima na madalas na umanong nag-aaway ang mag-asawa.
Naaresto naman ng mga pulis na rumesponde sa insidente ang suspek.
Walang pahayag ang suspek na maaaring maharap sa kasong parricide and serious physical injury.





Comments