top of page

Naiwang campaign fund ng mayayamang Kakampink, uubusin naman sa protesta, hmmm

  • BULGAR
  • May 14, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 14, 2022


BISTADO na ang supporters ni VP Leni ay mula sa mga exclusive villages.


Pero ang masang Pinoy ay bumoto kay BBM.


◘◘◘


DAHIL ubod nang yayaman ng supporters, may naiwan pang campaign fund.

‘Yan ang uubusin sa street protest.


Nasadlak sila sa Plan B.


◘◘◘


KAHIT ang overseas Pinoy workers o OFWs ay higit sa 80 percent ang pabor kay Marcos.


Pero, hindi ‘yan mapaniwalaan ng mga kritiko ni Marcos.


◘◘◘


HANGGANG ngayon diretso pa rin ang black propaganda kontra Marcos.


Tapos na po halalan, sige ituloy n’yo lang ang habit ninyo.


◘◘◘


MALINAW ang abiso ng mga eksperto.

Nasa kumunoy ang ekonomiya.


Ibig sabihin, ang gulong ay nababaon sa pusali, habang kumikilos, lalong nababaon.


◘◘◘


PAANO sasaklolohan ang mga gumagapang sa hirap?


Isang paghamon ‘yan kay BBM.


◘◘◘


SA panahon ng Ministry of Human Settlements, nagpautang si Madame Meldy nang walang interest sa mga munting negosyo.


Iyan ay binansagang KKK — Kilusang Kabuhayan para sa Kaunlaran.


◘◘◘


LAHAT ng bansa ay magugumon sa krisis sa ekonomiya.


Walang solusyon dito kundi ang magdasal nang walang patid.


◘◘◘


ANG mga sinaunang Tagalog ay may pangontra sa krisis.


Ito ay ang sipag, tiyaga at sinop.


◘◘◘


TANGING si Robin Padilla lamang ang may malinaw na plataporma de gobyerno.

Ito ay ang pagbabago sa istruktura, sistema at konsepto ng gobyerno.

Iyan ay ang Federalismo gamit ang Charter Change.


Napakalinaw n’yan.


◘◘◘


ISA tayo sa naniniwala na kailangan ang malawakang pagbabago sa sistema ng gobyerno upang maresolba ang problema.


◘◘◘


ANG plataporma ng ibang kandidato ay pare-parehong pambobola lang.

Kumbaga, generic lang, maliban sa espesipikong plataporma ni Binoe.

Iyan ang dahilan kung bakit siya naging No.1.


Higit siyang matalino kaysa kahit sinumang senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page