Naiiyak daw sa galit… ANGEL, ‘DI NA KINAYA, NAPALABAS NG KORUPSIYON
- BULGAR

- Sep 22
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 22, 2025

Photo: Angel Locsin / IG
Binasag na ni Angel Locsin ang kanyang pananahimik sa social media. Muling nagparamdam si Angel sa mga netizens sa kanyang story sa Instagram (IG) kahapon.
Tulad ng ibang celebrities, hindi rin nakatiis si Angel na maglabas ng kanyang hinaing sa malaking isyu ng korupsiyon na nabulgar sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Idinaan ni Angel sa pag-post ng art card sa kanyang IG Story ang pagbabahagi niya ng kanyang stand sa current crisis sa bansa.
Pahayag ni Angel sa art card, “Today, I'm breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption—may God give you more strength to keep going (praying emoji).
“Watching the hearings, I couldn’t help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods and typhoons. Naiiyak ako sa galit kasi puwede palang hindi sila naghirap. Puwede palang walang nasaktan. Puwede palang walang namatay.
“Ang bigat. Nakakapanghina ‘yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”
Bukod diyan, naglabas din si Angel ng picture niya suot ang black t-shirt na siya ring kulay ng t-shirt ng mga nag-rally sa Luneta kahapon.
Nakasulat sa black t-shirt ni Angel: “Stop flooding us with corruption.”
Hindi lang tayo sure kung iyon talaga ang hitsura ni Angel ngayon gaya ng nasa picture niya na naka-post. Maaari kasing gawa-gawa lang digitally ang hitsura niya.
Nonetheless, muling pinatunayan ni Angel na sobrang concerned talaga siya sa mga nangyayari sa bansa.
ISA si Direk GB Sampedro sa mga executive producers, along with Mr. Alex Rodriguez, ng Selda Tres (ST), isang action-drama mula sa Five 2 Seven Entertainment Production na isinulat ni Eric Ramos.
Ang ST ay isa sa limang pelikulang kasali sa full-length category sa 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.
Powerhouse ang cast ng movie ni Direk GB na pinangungunahan ng veteran actor na si Cesar Montano, kasama sina Carla Abellana at JM de Guzman.
Kasama rin sa Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso at Johnny Revilla.
During the mediacon ng ST ay tinanong namin si Direk GB kung paano nila binuo ang pelikula.
Aniya, “Uh, nag-start kami noong 2023. Kausap ko ‘yung producer namin, si Sir Alex Rodriguez. He wanted to do something na pelikula na may aksiyon na may kabuluhan. So, doon nagsimula ‘yun. Then, gumawa kami ng story ni Eric Ramos.
“Minadali na nga namin ‘yun para masimulan agad ang pelikula. Tapos tuluy-tuloy na hanggang nag-casting na kami, at nabuo ang cast. Ang tawag nga nila, may powerhouse cast daw kami.
“So, sobrang thankful ako na mabigyan ako ng opportunity ng aming partner nga, si Sir Alex.
“Binigyang-laya n’ya ako na makapili ng mga artista at sinuportahan n’ya ako sa pagkuha ng mga artistang feeling namin na nababagay, kumbaga pasok sa tema, sa istorya.”
Ang Selda Tres ay unang mapapanood sa SM Fairview at Gateway sa Sept. 24. Sa Sept. 25 ay sa Robinsons Manila, Trinoma, Market Market at SM Mall of Asia.
Sa Sept. 26, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo, SM Fairview at Gateway C18.
Sa Sept. 27, mapapanood ito sa Trinoma, SM Mall of Asia at SM Fairview.
Sa Sept. 28 magsisimula sa Market Market, Gateway C17, Robinsons Manila at Robinsons Antipolo.
Sa Sept. 29, sa SM Mall of Asia naman, at sa Sept. 30, sa Gateway C17, Robinsons Antipolo at Trinoma.








Comments