top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

NAIA, pinalagan sa gustong dagdag-singil… SHARLENE, TODO-TALAK SA SAMU’T SARING TAX, PATI MGA BOTANTE, PINANGARALAN, POST BINURA NAMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 1, 2026



Sharlene San Pedro - IG

Photo: Sharlene San Pedro - IG



Gigil na gigil ang aktres na si Sharlene San Pedro habang nakaharap sa computer matapos mabasa ang panukalang bagong sisingilin sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA na P480 kada tao sa bawat pagpasok at pagbalik ng bansa.


Ang karagdagang bayad ay para umano sa upgrade ng sistema para sa seguridad, kabilang ang mga biometric system, automated self-service e-gate, at Advanced Passenger Information System (APIS) para sa prescreening ng mga manlalakbay at real-time risk assessment at screening tools.


Maraming netizens ang umalma sa panukalang ito ng Bureau of Immigration (BI) dahil may binabayarang travel tax na umaabot sa P1,620 para sa economy, P2,700 para sa business class, at para sa mga menor-de-edad ay P810 sa economy at P1,350 sa business class; edad 2 taon lamang ang libre.


Ang aktres na si Sharlene ay mariing nagpahayag ng kanyang saloobin.

“Ano ‘to, bakit magtsa-charge ang Immigration ng P480 per passenger? Eh, ‘di ba, nagbabayad na ng travel tax ‘pag aalis? Ang dami ninyong pinababayaran sa amin. ‘Di naman maayos ang gobyerno!” pahayag ni Sharlene habang naglalaro sa kanyang desktop.


Dagdag pa niya, “‘Di bale sana kung maayos, eh, magbabayad talaga kami. Nakakairita, kung alam n’yo lang kung magkano ang binabayaran naming taun-taon sa tax na ‘yan, kaya talagang nakakabuwisit. Nakakabuwisit ang ganito sa Pilipinas.”


Ipinaalala rin niya sa publiko na suriin ang mga resibong binabayaran.

Aniya, “Kaya matuto kayong tumingin sa mga resibong binabayaran n’yo. May tax din du’n, nagbabayad din kayo, ‘di n’yo lang alam. Tapos, nagse-settle kayo sa bare minimum, mga leche!”


Nagpaalala rin si Sharlene sa mga botante na bumoto nang maayos sa darating na eleksiyon.


“Bumoto kayo nang maayos sa susunod na eleksiyon, sinasabi ko sa inyo, ang dami ng binabayaran! Sobrang dami! Pati dito sa CODM (Call of Duty Mobile), lalagyan na ng tax ang CP,” sabi pa ng aktres.


Ibig niyang tukuyin na may panukalang 12% tax sa gaming credits tulad ng CP o cellphone games.


“Punyemas na buhay ‘to! ‘Di ba kayo nababahala? ‘Yung mga bumoboto r’yan, ‘di kayo nababahala? ‘Yung mga iniluluklok n’yo sa gobyerno—senador, mayor, congressman, governor pero ‘di maayos ang sistema sa mga lugar ninyo, bakit kayo pumapayag?” dagdag pa niya.


Nabanggit din na may mga botante umanong tumatanggap ng isang kilo o isang kaban ng bigas kapalit ng boto.


Sigaw niya, “Pumapayag kayo sa isang kilong bigas, sa isang kaban ng bigas? Bakit kayo pumapayag? Tuwing eleksiyon lang kayo naaalala ng mga ‘yan. Real talk lang. Mag-research kayo sa iboboto n’yo, ‘di ‘yung boto lang kayo nang boto.”


Ang nasabing Facebook (FB) post ni Sharlene San Pedro ay noong Mayo 29, ngunit tinanggal na niya. 


Gayunman, may nakapag-download na netizen at nai-post ito sa X (dating Twitter) account na umabot sa halos 300,000 views at 4,100 retweets.


Tanong ng ilang netizens, bakit tinanggal ng aktres ang kanyang Facebook (FB) post tungkol dito? Hindi niya ba ito napanindigan?





Nainlab din naman daw siya dati…

JANICE, OKS LANG NA MAKIPAG-LIVE-IN SI INAH KAY JAKE



SHEET MATTERS - JANICE, OKS LANG NA MAKIPAG-LIVE-IN SI INAH KAY JAKE-IG _super_janice & _inah


PINAGSABIHAN naman pala agad ng aktres na si Janice de Belen ang anak na si Inah de Belen nang makipagsagutan ito kay Rosmar Tan na kilalang vlogger at negosyante. 


Inakala kasi ng isang netizen na si Inah ay si Rosmar kaya ang sabi ni Inah, “Guys, sino ba si Rosmar? ‘Di ko s’ya kilala.” 


Ngunit na-curious siya at sinabing “Na-research ko na s’ya. Please, don’t associate me with her, ew.” 


Naikuwento ito ni Janice sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang hingan siya ng reaksiyon ng TV host.


“I cannot get involved, I’m a mom. I called her, I immediately told her what was wrong, tapos quiet na ako. I have to leave her to think about it. 


“After naming mag-usap, wala na akong sinabi. When it was over recently lang, sinabi ko sa kanya, ‘O, see, tapos na, puwede ba, please? Ingat din.’ ‘Di na ako nagbibigay ng mahabang sermon, maikli na lang,” natatawang kuwento ng aktres.


Samantala, nabanggit din na walang tutol si Janice de Belen sa live-in setup nina Inah at Jake Vargas dahil hindi naman siya ang makikisama, at aminado siyang naranasan din niyang ma-in love sa murang edad kahit hindi ito pabor sa kanyang mga magulang noon.


Aniya, “I’m no saint. My point at that time was ‘Let’s do it right,’ then okay naman sila.”


Bukas ang BULGAR sa magiging pahayag ni Inah de Belen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page