Nahirapan daw sa misis ni Chiz… PAOLO, TODO-SORRY KAY HEART NA 'DI NAGAYA ANG MUKHA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 10, 2021

Nag-sorry si Dabarkads Paolo Ballesteros kay Heart Evangelista dahil hindi niya nakopya ang mukha ng aktres sa latest makeup transformation na kanyanng ginawa.
Aminado si Paolo na nahirapan siya na ma-perfect ang mukha ni Heart nang kanyang gayahin. Nag-aalala si Paolo na baka magalit sa kanya si Heart kapag nakita ang billboard ng ads ng isang brand ng plastic wares kung saan kamukha ni Heart ang endorser.
Mabuti na lang at wala namang negative reaction si Heart nang makita ang billboard. In fact, naaliw pa nga ang Kapuso actress kaya nakahinga nang maluwag ang Eat… Bulaga! host.





Comments