Jeep, TNVS, taxi, UV Express... Taas-pasahe, tuloy

by Jeff Tumbado @News | September 26, 2026

Photo: File
Inaprubahan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang mga dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan na inaprubahan noong Marso.
Inaprubahan din ni Lopez ang rekomendasyon ng LTFRB para sa provisional fare increase sa UV Express at taxi services.
Batay sa inaprubahang dagdag-pasahe, P1 ang dagdag sa kasalukuyang minimum fare ng mga jeepney, habang P2 naman ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Para sa mga traditional jeepney, magiging P14 na ang minimum fare para sa unang apat na kilometro, mula sa dating P13. Ang dagdag-pasahe sa bawat susunod na kilometro ay magiging P2, mula sa dating P1.80.
Samantala, magiging P17 na ang minimum fare para sa mga modern jeepney sa unang apat na kilometro, mula sa dating P15. Ang bawat susunod na kilometro ay may dagdag na P2.40, mula sa dating P2.20.
Samantala, may dagdag-flagdown sa TNVS na P20, sa taxi naman ay P10 habang sa UV Express ay P0.40-P0.60/KM.





Comments