Nagsuot nang sexy, binastos… SUNSHINE, BINANTAANG IDEDEMANDA ANG MGA NANGMANYAK SA MGA ANAK
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 9, 2020

Naibsan nang konti ang galit ni Sunshine Cruz sa mga tinawag niyang “sexual predators” sa social media based sa recent post niya.
Tinawag ni Sunshine na “sexual predators” ang mga netizens na nag-post ng malalaswang comments sa piktyur nila ng kanyang tatlong anak na dalaga na nakasuot ng swimwear habang nasa inflatable pool.
Sa post ni Sunshine last Monday, nag-enjoy daw siya sa pagba-block sa mga netizens at pagdi-delete ng mahahalay na comments against her daughters na sina Angelina, Francheska at Samantha.
“Enjoy din naman palang mang-BAN, block and delete. Nagkalat ang ‘sexual predators’ online. Parang ngayon na lang nakakita ng mga babae. Ako po ang nahihiya para sa mga magulang n’yo. You guys know who you are. I am saving those messages before banning you. You’ve been warned,” pahayag ng star ng Kapamilya drama series na Love Thy Woman.
Dugtong pa ng post ni Sunshine, “My lawyers and management are also admins of this page. Remember, you have relatives na mga babae din. THIS PAGE IS OPEN FOR PEOPLE WHO KNOW HOW TO RESPECT WOMEN. HINDI PARA SA MGA SEXUAL PREDATORS O MANYAK. If you have nothing good to say, keep it to yourself.”
May nag-comment din ng ganito, “Tapos post ka nang post ng mga sexy pics ng anak mo. Parang tinapay lang 'yan na ibinebenta mo sa shelf pero walang presyo. Pinapalaway mo ang mga tao, tapos kasalanan pa nila.”
Hindi ito pinalampas ni Sunshine at kanyang sinagot, “Not a valid reason. Naka-swimsuit o gown, lalabas at lalabas ang mga manyak at bastos. Believe me. Haha! Don’t blame us, blame people who look down on women for the choice of clothes they wear.”
Wala raw mangmamanyak kung walang manyakis. At walang babastusin kung walang batos.
“Wala po kaming tinatapakang tao. I am only sharing bits and pieces of my life and my children. We just want to share our lockdown activities with my followers.”
Pati ang pagiging sexy star ni Sunshine dati ay naungkat din. Ganito ang mga nabasa naming comments tungkol sa pagiging sexy star niya noon.
“Nang dahil sa pera, ayan, hubo't hubad ang ginawa mo. 'Di ka ba nahiya sa mama at papa mo?”
“Bakit 'di ka nahiya sa magulang mo nang ipinaromansa mo ang katawan mo at ipinakita ang dibdib mo? Dahil ba may bayad?”
Muli, hindi ito pinalampas ni Sunshine at sinagot ang pag-ungkat sa pagiging sexy star niya noon.
“O, may mga magsasabi na naman d'yan na 'DATI ka namang sexy star.' SO? Trabaho ko ‘yan nu'n. Part of my job. It is never a reason para ang mga anak ko, babuyin. Mahiya kayo sa magulang n’yo! Sinasayang n’yo lang ang pagpapaaral nila sa inyo,” sabi ni Sunshine.





Comments