top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben

Nagsumbong muna sa pulis bago nagpakamatay... 53-Anyos binaril ang asawa at 4 anak, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 14, 2026



Si Ronald H. Williams, 53 na bumaril sa asawa at 4 na anak - Kansas Bureau of Investigation

Photo: Kansas Bureau of Investigation



Isang 53-anyos na lalaki sa Kansas, United States ang umano’y namaril at pumatay sa kanyang apat na anak at kanyang asawa bago nagpakamatay nitong Martes.


Kinilala ang suspek na si Ronald H. Williams, 53. Kasama niyang natagpuang patay ang ina ng mga bata na si Kelly L. George, 44, at ang apat nilang anak na sina Carol A. Williams, 9; Ronald H. Williams Jr., 7; Sarah K. Williams, 5; at Kelly M. McGee Williams, 3.


Ayon kay Winfield Police Chief Robbie DeLong, nakatanggap ang pulisya ng 911 call alas-8:50 ng umaga mula sa isang lalaking nagpakilalang siya ang bumaril at sinabing pinatay niya ang kanyang buong pamilya bago niya planong magpakamatay.


Nang dumating ang unang pulis sa bahay, napaatras ito matapos makarinig ng putok ng baril. Pinalibutan ng mga awtoridad ang bahay at makalipas ang mahigit dalawang oras ay pinasok ito kasama ang regional SWAT team at mga deputy ng Cowley County.


Doon natagpuan ang mga bangkay ng anim na katao, kabilang ang suspek.

Ayon sa pulisya, ilang beses nang nakatanggap ng ulat tungkol sa agresibong pag-uugali ni Williams at mga putok ng baril sa lugar. Nakipag-ugnayan din umano sa kaniya ang mga pulis nitong mga nakaraang linggo, ngunit walang nakitang sapat na ebidensya para makapagsagawa ng aksyon.


Batay sa state sex offender registry ng Kansas, nakarehistro si Williams bilang sex offender. Noong 1998, umamin siya sa mga kasong may kaugnayan sa pagtatangkang gumawa ng indecent liberties laban sa isang 15-anyos na babae at battery.


Nakikiisa na rin ang Kansas Bureau of Investigation sa imbestigasyon upang matukoy ang motibo. Kakausapin din ng mga imbestigador ang mga kamag-anak at kapitbahay ng pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page