Nagsulputan ang mga one day millionaire
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 1 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 24, 2023
Pinalaya na pansamantala ang dating chief of staff ni ex-Senate President Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.
Ang dahilan?
Mahabang proseso ng prosekusyon.
Sana’y mabiyayaan din ng ganitong “diskarte” ang libu-libong “akusado”, lalo na ang mga “walang kasalanan”.
◘◘◘
MAGAGAMIT nang precedent sa korte ang “justice delayed, is justice denied”.
Maraming abogado ang “tatabo”.
◘◘◘
WALA pang ulat kung tagumpay o hindi ang biyahe ni P-BBM sa Europe.
Tiyak na ibababad sa media ang “bilyong pisong pledges”.
◘◘◘
KASAMA ni P-BBM sa Davos, Switzerland ang mga multi-bilyuraryong Pinoy.
Doon sila sa Europe nagkumpirensya imbes na sa MOA.
◘◘◘
HABANG bumibiyahe sa China at Europe si P-BBM, maraming ang “marites” ang umiintriga sa aberya ng liderato sa AFP at PNP.
Ngayon lang ito nararanasan.
Eh, bakit?
◘◘◘
LAHAT ay nagrereklamo sa sobrang taas ng mga paninda at serbisyo.
Hindi ito ordinaryong sitwasyon.
Ang negatibong epekto ng krisis ay mararanasan next year, 2024—at hindi ngayon.
◘◘◘
MAGING ang US, China, Europe at Russia ay aminadong gumagapang sa krisis.
Pero, ereng mga Pinoy—panay display ng kayamanan.
Kumbaga, nagsulputan ang mga “one-day-millionaire”.
◘◘◘
REVENGED spending ang tawag sa pagsigla ng ekonomiya.
Pero, sabi ng Tatang ko, bulagsak ang tawag d'yan.
Ang salapi raw ay parang tubig: kapag dumating ay parang tsunami na dumadaluyong, pero kapag nagbago ang isip ng hangin, ang salapi ay parang nawasak na dam, rumaragasang pabulusok.
◘◘◘
WALANG nakikinig sa payo ng mga eksperto: Magtipid at magsinop!
Kasi’y pati ang gobyerno ay walang programa sa pagtitipid sa konsumo ng elektrisidad, tubig at masinop na paggastos.
◘◘◘
NAGKALOOB ng bilyong pisong ayuda ang USAID para sa “digital industry”.
Pero, hindi ito nararamdaman, sa ngayon.
Baka dinambong na rin ng mga buwaya.
◘◘◘
MARAMI ang nagsasabi na ang P1,000 bill ngayon ay katumbas ng P100 bill noong dekada '60s at '70s.
Hay, buhay-alamang—paglukso, dedo!








Comments