top of page

Nagsisimula na ang mga kaguluhan, dapat maghanda na ang ‘Pinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 26, 2022



TULAD ng inaasahan, binomba na ng Russia ang Ukraine.


Tulad sa naranasan ng Pilipinas sa pagsalakay ng Japan sa bungad ng 1940s, walang dumipensa sa Ukraine.

◘◘◘


TULAD sa Pilipinas, ilang taon munang inokupa ng Japan ang Pilipinas, bago nakabalik si Heneral Douglas MacArthur.


Nang dumipensa ang US, binomba nito ang Maynila kaya’t nawasak ang malalaking gusali.

◘◘◘


ANG Syria, Libya, Iraq at Afghanistan ay winasak at ni-ransack ang mga dayuhan.


Walang tumutulong sa ordinaryong mamamayan.


◘◘◘


HINDI dapat umaasa ang bansa sa saklolo ng ibang bansa.


Binobola lang talaga sila!

◘◘◘


ANG Pilipinas ay hindi rin dapat sumandal sa puwersa ng mga dayuhan.


Kailangang makatindig tayo sa sarili nating paa o resources.


◘◘◘


GUMIGIRE na sa air space ng Taiwan ang hindi mabilang na aircraft ng China.


Kung sakaling maging abala ang NATO at US kontra Russia, maaaring samantalahin ng China ang pananakop sa Taiwan.


D’yan na madadamay nang direkta ang Pilipinas!


◘◘◘


NILAGOT ng US at NATO ang commercial trading at financial connections sa Russia.


Magagawa ba ng NATO at US na putulin din ang ugnayang ekonomiya sa China kasabay sa Russia?

◘◘◘


KAPAG nilagot ng US at NATO ang relasyong ekonomiya sa China at Russia, aktwal na apektado ang sarili nilang ekonomiya.


Imposibleng mag-suicide ang NATO at US kasabay ng pagguho ng ekonomiya ng buong daigdig.

◘◘◘


KUNG sakaling sakupin ng China ang Taiwan kasabay ng giyera sa Europe, ‘yan na mismo ang kinatatakutang Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


Paano na ang Pilipinas?

◘◘◘


KUNG magiging grabe ang digmaan at lalahok ang China, pwedeng ideklara ni P-Digong ang Batas Militar.


Siyempre, kanselado ang national election.


◘◘◘


ANG grabeng sitwasyon na iniwanan ng COVID-19 ay lalong gagrabe — higit sa alinmang trahedya na naranasan ng tao sa kanyang kasaysayan.


Dapat tayong magdasal nang walang patid.


Baka sakaling marinig tayo ni Lord!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page