Nagsama sa commercial… KATHRYN AT NADINE, HI-HELLO LANG NOON, NAGTSITSIKAHAN NA NGAYON
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 22, 2025
Photo: Kathryn Bernardo at Nadine Lustre - IG
Ang endorsement nila sa Creamsilk ang tila naging daan para maging friends na talaga sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Kung dati, hanggang “hi” at “hello” lang ang batian nila ‘pag nagkikita, ngayon, may konting tsikahan na siguro.
Masaya ang mga fans nina Nadine at Kathryn dahil nakikita na nila ang isa’t isa sa kani-kanyang Instagram (IG) at siguro naman, they follow each other na. Kaya malaki ang pasasalamat ng mga fans sa Creamsilk dahil natupad ang dream nilang magsama sa project ang dalawang aktres kahit sa TVC ng endorsement muna.
This Thursday ang launching ng TVC para sa nasabing brand ng conditioner nina Nadine at Kathryn at looking forward ang mga fans for more projects from the two. Kahit daw music video for Creamsilk, susuportahan nila, at mas magiging masaya ang mga fans kung magkakasama na sila sa series o movie.
Kahit daw walang leading man sina Kathryn at Nadine, okay na sa mga fans, basta matupad lang ang dream nilang mapanood na umaarte ang para sa kanila ay dalawang reyna.
Kaya nananawagan sila sa Star Cinema, Viva Films at ABS-CBN to make their dreams a reality.
Binisita nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang ipinapagawang bahay at kasama nila sa site visit ang mga anak nilang sina Calix, Jazz at ang bunso na si Dylan.
Sakay sa golf cart sina Dennis at Jennylyn at mga anak sa site visit sa future home nila na comment ng isang netizen, parang mini-mall sa laki.
Ang ganda ng larawan ng mag-anak na nakatalikod sa camera at tinitingnan ang ipinapagawang bahay. Parang kailan lang ang groundbreaking at ngayon, malapit-lapit nang matapos ang bahay.
Ang suwerte nina Dennis at Jennylyn dahil parehong busy sa kani-kanyang career, kundi pelikula, series ang kanilang ginagawa at may negosyo pa.
Heto nga’t sa June 9 na ang premiere ng series nila sa GMA-7 na Sanggang Dikit (SD) kung saan parehong pulis ang kanilang role.
Matindi pala ang preparasyon ng dalawa para sa reunion series nila at pati combat training, sumabak sila. Importante ang training nila, kaya kahit mainit, kanilang ginawa.
Si Jennylyn, excited dahil first time na gaganap na pulis at hahawak at magpapaputok pa ng baril.
Saka, hindi lang sa bansa ang promo ng cast ng SD dahil may ‘Meet & Greet’ sila sa Milan, Italy sa June 22. Of course, abangan din sila sa local promo nila at tiyak, marami silang pupuntahan.
Dedma sa aktor?
NAANAKAN NI DENNIS, NAKIPAG-BONDING KAY MARJORIE AT MGA ANAK
Inaabangan ang magiging reaksiyon ni Dennis Padilla sa pagba-bonding ng mga anak niya kay Marjorie Barretto at mga anak nila ni Linda Marie Gorton.
Nasa Instagram (IG) ni Linda ang bonding photos ng mga anak ni Dennis kasama sina Marjorie at Linda.
Ibig sabihin, nasa bansa ang mga anak ni Dennis kay Linda. Nakita na kaya sila ni Dennis?
Isyu ito kapag hindi nagkita ang mag-aama, lalo’t sa Australia yata based si Linda at dalawang anak nila ni Dennis. O baka nakaalis na ng bansa si Linda at mga anak nito?
Nakasulat sa caption ni Linda: “This was a birthday gift received earlier than expected. Our children had such a wonderful time. It was so nice to see them all talk, laugh and joke around like they’ve always been together. And it was really a beautiful thing to watch.
“But mainly, I would like to greet you a belated happy birthday, Marj! You are truly an exceptional woman. I admire your courage and strength. And how you face challenges with determination and grace. Wishing you all the dreams your heart desires…”
Masaya ang mga netizens na makitang magkakasama ang mga anak nina Marjorie at Linda at sa pagkikita-kita ng magkakapatid. Ang sarap daw maka-good vibes ng photos at makitang lahat ay nakangiti at masaya.
Comments