top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagsalita na sa hiwalayan nila... DOMINIC: TIGILAN N'YO NA KAMI NI BEA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2024
  • 1 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 8, 2024




Nagsalita na si Dominic Roque ilang araw matapos makumpirma sa show ni Boy Abunda ang kanilang paghihiwalay.


Sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes lang ng umaga, February 8, 2024, hiniling ng aktor na itigil na ang mga negatibong komento patungkol sa kanilang split-up ng ex-fiancee na si Bea Alonzo.


Diin ng aktor sa kanyang caption “Bea’s a beautiful person inside and out…, no hate/bashing/ negative things please…”


Umani ito ng maraming likes at mga comments ng pagsuporta sa desisyong nangyari sa kanilang dalawa.


Kasama ng caption ay ang mga collective videos nila na magkasama abroad ni Bea nu'ng binati niya ito ng kaarawan noong October 21, 2023.


Last Tuesday nang kumpirmahin ni Boy Abunda ang paghihiwalay ng dalawa at hindi na matutuloy ang kasal na inaabangan ng mga fans dahil na rin sa samu’t saring mga problema na kanilang pinagdaraanan.


Ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan ang issue nilang dalawa sa social media, pero kagaya ng hiling ni Dominic, no hate and bashing na raw sana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page