Nagreklamong pagod; 13 tama sa dibdib, 2 sa leeg... Mister, pinagsasaksak ni misis

ni Benjamin Chavez @News | October 21, 2026

Photo: File
Sugatan ang 30-anyos na safety officer na si alyas Roselito matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang edad 35 na asawa na si "Catherine" sa Brgy. Pulo, Cabuyao City, Laguna.
Ayon sa saksing si alyas Jefred, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa bago marinig ang sigaw ng biktima na, “Pagod ako! Natutulog na ako, sinaksak mo pa ako!”
Nagtamo si Roselito ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Isinugod siya sa ospital, habang inaresto ang kanyang asawa na nasa kustodiya na ng pulisya para sa imbestigasyon.





Comments