Nagpunta lang ng abroad, inglesera na, diring-diri raw sa pagka-Pinoy… NETIZENS SA BINI: ANG AARTE, ‘DI NAMAN SIKAT AT MAGAGANDA, MAYAYABANG PA
- BULGAR

- Aug 29
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 29, 2025

Photo: BINI / YT
Prangka at malalim ang mga sagot ng isa sa members ng P-Pop girl group na BINI na si Jhoanna ukol sa ilang isyu na kinasangkutan nila.
Nakausap siya ni Ogie Diaz sa Showbiz Update (SU) vlog sa YouTube hinggil sa controversial street food review.
Ani Ogie, “‘Yung iba kasi, naartehan sa inyo. Tapos, lahat kayo, parang inglesera na.”
May guesting kasi ang grupo sa People vs. Food (PVF). Tila hindi nagustuhan ng BINI ang ilang pagkain na kanilang natikman at nagkomento sila nang hindi maganda.
Dahil dito ay maraming pamba-bash ang natanggap ng BINI.
Pinagtawanan lang ni Jhoanna ang mga komento ng ilang netizens na sumabay sa hate train kahit hindi naman napanood ang buong video.
Ayon pa sa BINI leader, kahit genuine at authentic ang naging reactions nila, dapat daw pala ay mas naging maingat at controlled sila lalo na habang nasa abroad.
Sey niya, “‘Yung maarte po, totoo naman po, maarte naman po kami. S’yempre, nag-i-English po kami kasi nasa ibang bansa po kami. Para sign of respect din po ru’n kasi nag-guest po kami. Kahit paano naman po, nakakapagsalita naman po kami ng English kahit kaunti lang ‘yung baon namin…
“Parang natatawa lang din ako sa mga comments ng iba na nakisakay sa hate train, na feeling ko, hindi naman pinanood ‘yung buong video.”
Patuloy pa niya, “Saka iba po ‘yung pag-prep sa food. Kumbaga, iba talaga ‘yung ditong gawang ‘Pinas. Siguro, hindi lang kami naging careful kung paano kami nag-react since nasa ibang lugar kami… Gets ko ‘yung pagiging authentic namin pero nga dahil nasa ibang lugar po kami, sana, kinontrol namin kahit na konti. ‘Yun naman po ‘yung learning namin doon.”
Komento ng mga netizens…
“Nagtataka pa sila na na-bash sila, sila rin ang may gawa. Sila mismo sumira sa image nila. Hindi sila hinihila pababa, nagsasabi lang nang totoo (ang) mga tao. Ang aarte, ‘di naman magaganda. Ang mga Pinoy, ‘pag simple at walang arte, mas hinahangaan.”
“Parang ikinakahiya kasi nila pagka-Pinoy or ‘yung related sa Pinoy, like reacting nang nandidiri. It’s like pangmamaliit sa Pinoy kaya maraming nainis sa kanila. Parang sa live Snow White lang, na sinabihang weird ‘yung original Snow White story, inaasar tuloy, bashing na ‘di kagandahan and ‘di naging mataas ang rating. Ganu’n kasi, nagmukha kang mayabang, lait or belittling others just because sikat ka…”
“‘Di naman sila sikat, nagsikat-sikatan lang…”
“Totoo naman talaga, maarte ang BINI, akala naman nila, magaganda at sikat, galing naman sa wala. Isang beses sumikat, grabe na ang arte.”
“Nag-uumpisa pa lang sa mundo ng showbiz, feelingera na, retokada naman. Tama ‘yung sinabi ni Ms. D, pare-pareho ang pagmumukha nila, iisa lang, nagparetoke. Akala mo kung saang mayamang angkan nanggaling. Reality, mga batikan nga, still humble sila.”
“Kapapangit naman nila, eh. Mali naman mag-English.”
“Mga feeling sikat na sikat, ang taas ng tingin sa mga sarili nila. Hahahaha!”
“Be humble, ‘wag hambog.”
“Gayahin n’yo si Sarah Geronimo, walang yabang at arte. Siya ang tunay na sikat.”
“You must know how to take creative criticism and change for the better. Hindi kasi maganda ‘yung nag-iinarte nang wala sa lugar. Be yourself and stay your feet on the ground. Then focus on doing your craft much better. Then maybe, mas malayo pa ang mararating n’yo.”
“BINI, mula sa salitang binibini, Pilipinong-Pilipino ang dating pero hindi nila nasuportahan ang mga native foods.”
“‘Yung mga foreigner, sarap na sarap sa mga pagkaing street foods ng Pilipino. Sila naman, pinandidirihan.
“Buti pa ‘yung SB19, ‘di mayayabang, mga lalaki pa ‘yun, ah. Pero sila, mga kababaeng tao, matataas na ang tingin sa sarili.”
‘Yun na!
Gusto raw ikutin ang mundo kasama ang BF…
SUE, UMAMING PARANG NASA HONEYMOON STAGE NA SILA NI DOMINIC
INILARAWAN ni Sue Ramirez ang relasyon nila ni Dominic Roque na para sa kanya ay parang nasa honeymoon stage na.
Aniya, minahal niya ang actor dahil sa kabutihan nito sa kani-kanilang pamilya at for giving her the courage to turn her back on something that didn’t serve her anymore.
Pagkaklaro ng aktres, ang breakup nila ng ex na si Javi Benitez ay maayos at binigyang-diin niya na bawat relasyon ay magkakaiba.
Nang makapanayam siya sa show ni Melai Cantiveros, ang online Visayan talk show na Kuan On One (KOO) na mapapanood sa YouTube (YT), ani Sue ay very blooming ang love life niya, adding that her heart is ‘super happy’ and constantly ‘fluttering in love’, especially since their relationship is still in its early months.
Priority nilang i-enjoy ang isa’t isa at i-cherish ang mga moments na magkasama
sila.
Nang tanungin siya about her bucket list, aniya, ang mag-travel and see the world na kasama si Dominic Roque.








Comments