Search
  • BULGAR

Nagpasaklolo sa CIDG, pero… AIKO, AMINADONG KILALA ANG NAGKAKALAT NA MAY SEX SCANDAL ANG ANAK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 29, 2020




Tulad ng mga naglabasang balita ay nag-file ng kasong cybercrime ang mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City nitong Huwebes laban sa Twitter user na may handle name na @jakolinks dahil sa tweet niyang may sex scandal ang binata.


Sinamahan sina Aiko at Andre ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun sa Crame bilang suporta.


Sa ginanap na FB Live tsikahan ni Aiko at ng kumpare nitong si Ogie Diaz ay nabanggit ng aktres na maraming magugulat dahil kilala pala niya ang naninira sa anak.


Sabi ni Aiko kay Ogie, “May lead na kami at may idea kami kung sino itong bastos na ito. Kilala namin siya.”


“Kilala ko rin ba?” tanong ni Ogie sa kumare niya.


“Hindi, pero magugulat ka kung sino,” saad ni Aiko.


Nabanggit ni Aiko na nang makita ni Andre ang boyfriend niyang si VG Jay ay agad yumakap dito ang anak.


“Hinug niya ang Tito Jay niya at sabi niya, ‘Tito Jay, thank you so much, I felt so relieved and thank you for stepping in for me and thank you that you’re here as my second dad.’ ‘Yun ang narinig kong una and hinug me tight, sabi niya (Andre), ‘Mom, salamat, salamat at makakatulog na ako nang maayos kasi alam ko naman sa sarili ko, wala talaga akong ganu’n.’ Sabi ko naman, ‘Wala ka pang ganyan ngayon, ‘wag kang gagawa, ha?’" kuwento ng aktres.


Nagkaroon ba ng mental health issue si Andre dahil sa nangyari?


“Sila ng Tito Jay niya ang nagkausap, heart to heart talk. Sa akin kasi, ayaw mag-open-up nang todo-todo ni Andre kasi it’s a guy thing, 'di ba? Mas si Jay ang nakausap niya ng information and all. Eh, tinatanong ko si VG, ayaw naman niyang i-divulge sa akin kasi sabi niya, it’s a guy thing at inirerespeto niya ang usapan nila ni Andre. Kaya ako, I’m here to comfort Andre na lang bilang nanay niya.”


At habang tinitipa namin ang balitang ito ay naka-chat namin si Aiko kung kumusta na si Andre.


“He is ok, coping slowly naman ate,” sabi ng mama ng binata.


At nabanggit ding nakatutok silang pamilya ngayon kay Andre dahil baka magkaroon ng mental health issue.


Samantala, tinanong ni Ogie si Aiko kung may suportang ibinibigay ang Daddy Jomari Yllana nito, pero tila nabingi ang aktres dahil hindi nito sinasagot ang talent manager/actor at TV host


Tawa nang tawang sabi ni Ogie, "Alam mo, salbahe ka!”

Mabilis na sagot ni Aiko, “Wala akong sinabi at wala rin akong reaksiyon.”


Humirit ulit si Ogie kung ano'ng suporta ni Jom sa anak, “May nakita ka bang Jomari sa picture (kuha nang mag-file silang mag-ina sa CIDG)?” saad ni Aiko.


Sabi ni Ogie, "Wala!" at sagot ng nanay ni Andre, “And that answers your question.”


Tinanong din namin ang publicist ni Jomari na si katotong Pilar Mateo kung may official statement na ang aktor/pulitiko.


“Tinanong ko na siya (Jomari) sa simula pa lang. Wala pang sagot na ibinibigay,” sambit ni Pilar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.