Nagparetoke? JINKEE, KAMUKHA NA NI KRISTINE, MAS MATAPANG LANG ANG HITSURA
- BULGAR

- Jul 29
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 29, 2025
Photo File: JInkee Pacquiao - IG
Maraming netizens ang nagtatanong kung may ipinaayos ba si Jinkee Pacquiao sa kanyang mukha? Kapansin-pansin kasi na may pagkakahawig na sila ni Kristine Hermosa ngayon.
Si Kristine kaya ang peg ni Jinkee? Ilang beses na raw na nakikita si Jinkee sa ilang events at napagkakamalan nga siya na si Kristine Hermosa.
Ganunpaman, kailangan lang na medyo maging soft at sweet ang kanyang aura tulad ni Kristine Hermosa. Medyo matapang (fierce) at suplada kasi ang mukha ni Jinkee Pacquiao. Bihirang-bihira siyang ngumiti at laging pormal. At parang laging may pader na harang at hindi basta-basta nalalapitan.
Wala ring circle of friends si Jinkee na taga-showbiz. Hindi siya buddy-buddy sa mga artista. At mukhang ang mga taga-GenSan lang ang kanyang mga amigas.
Wala man lang daw pasabi…
ALDEN, NO SHOW SA PRE-GMA GALA DINNER
MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit no show si Alden Richards sa ginanap na pre-GMA Gala Dinner nu’ng Huwebes?
Wala raw anumang pasabi o explanation mula sa kampo ng actor kung bakit hindi ito nakasipot sa important event ng GMA Network?
Marami ang naghanap kay Alden pero walang makapagsabi kung bakit inisnab niya ang pre-GMA Gala dinner.
Nagkasakit ba siya o may mahalagang lakad? May tampo ba siya sa Kapuso Network? May demand ba siyang hindi napagbigyan?!
Well, may ilang nagsasabi naman na baka sobrang napagod lang si Alden (physically and emotionally) dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahang gawin.
Maaaring na-burn-out na siya kaya minabuti munang magpahinga at magkaroon ng privacy. Tao lang naman si Alden na napapagod din.
Hindi naman issue para sa GMA Network ang hindi pagsipot ni Alden sa pre-GMA Gala dinner. Inirerespeto nila ang karapatan ng aktor.
Recently ay lumabas si Alden Richards upang mamahagi ng relief goods para sa mga binaha.
PINAMUNUAN ni Heart Evangelista ang pamamahagi ng relief goods sa mga binaha sa Calumpit, Bulacan.
Kasama ni Heart ang iba pang maybahay ng mga senador na bumubuo sa Senator Spouses Foundation. Nag-charity work sila upang damayan ang mga residente ng Calumpit na inabot ng matinding pagbaha. Namigay sila ng bigas, groceries, damit, atbp. gamit.
Sa ganitong charity work ay maaasahan si Heart Evangelista. Kinalilimutan muna niya ang pagiging fashion icon. Gustung-gusto niya ang makatulong sa mga nangangailangan.
Kaya naman proud na proud sa kanya si Senate President Chiz Escudero. Aktibung-aktibo si Heart sa mga projects ng Senate Spouses Foundation.
So far, maganda ang feedback kay Heart sa kanyang pamumuno sa Senator Spouses Foundation, Inc..
Pagluluto at panonood ng sine ang bonding…
DINA AT MISTER NI DANICA NA SI MARC, SUPER CLOSE
MAHILIG din palang magluto ang mister ni Danica Sotto na si Marc Pingris, kaya sila nagkakasundo ng kanyang mom-in-law na si Dina Bonnevie.
Naging cooking buddies sina Dina at Marc. ‘Pag may bagong recipe si Dina ay nagpapaturo si Marc. Kaya naman, hats-off si Bonnevie sa kanyang manugang.
Mahilig ding manood ng sine si Dina Bonnevie kaya niyayaya siya ng movie date nina Danica at Marc. Panatag ang loob ni Dina na si Marc ang napangasawa ni Danica.
Mabait si Marc, masipag, marespeto at responsableng padre de familia. At kahit hindi milyonaryo si Marc Pingris, alam ni Dina Bonnevie na mabibigyan nito ng magandang future si Danica at ang kanilang mga anak.










Comments