Nagpapakatotoo lang… CELESTE, ‘DI BILIB SA BINI, MAS GUSTO ANG SB19
- BULGAR

- 35 minutes ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 28, 2026

Photo: FB Circulated & BINI_ph
Viral ngayon sa social media ang OPM icon na si Celeste Legaspi matapos ang kanyang naging pahayag tungkol sa mga sikat na P-pop groups.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Celeste ang kanyang pananaw sa kasalukuyang estado ng lokal na industriya ng musika. Hindi rin niya itinago ang kanyang paghanga sa SB19, na aniya ay isa sa mga grupong talagang hinahangaan niya.
“I like SB19 a lot. They’re really, really good. I’m not so crazy about BINI kasi parang ‘di naman s’ya... SB19 is really, really good. I’m so proud of them. Ang galing-galing ni Stell!” saad ni Celeste.
Well, kani-kanya lang naman tayo ng taste. Naging prangka lang talaga si Celeste sa sinabi niya. At, in fairness sa BINI, sobrang dami rin talaga nilang mga tagahanga.
Negosyo nila, napalago sa 1 yr. lang…
SOFIA, PROUD SA PADIR NG ANAK NA SI DANIEL
SUPER proud ang aktres na si Sofia Andres sa kanyang partner na si Daniel Miranda dahil sa effort nitong mapalago ang kanilang negosyo.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Sofia ang kanyang mensahe para kay Daniel bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng kanilang negosyo na The Scoop & Skillet.
Ani Sofia, “A year ago, this was just something you were building. Now look at how far it’s come. Happy 1st anniversary to The Scoop & Skillet. So proud of you, love — of the work, the heart, and everything you’ve quietly put into making this yours.
“And the fact that we get to celebrate this milestone on my birthday makes August 24 even more special.
“Here’s to another year of learning, growing, creating, and becoming even better along the way. So much more ahead.”
Anyway, Happy Anniversary sa inyong patuloy na lumalagong negosyo, at Happy Birthday, Sofia!
Sa edad na 55…
SECOND BABY NI SMOKEY, ANSWERED PRAYER
NAGBAHAGI ang aktor na si Smokey Manaloto sa social media ng isang larawan kung saan makikita sila ng kanyang asawa na si Cassie Brazal, na masayang nakatingin sa kanilang ikalawang anak.
Late nang nakapag-asawa ang 55-anyos na aktor, at ang panganay nilang anak ng misis ay 4 yrs. old pa lang ngayon.
Sa caption ni Smokey, ibinahagi niya ang saya at bagong buhay na hatid ng kanilang bagong silang na sanggol.
Aniya, “May mga umagang gigising ka at mapapangiti ka na lang kasi, ‘Ah, ito na pala ang bago naming buhay.’
“Mas maaga ang gising, mas maraming yakap, at mas puno ng pagmamahal ang bahay.
“Sa pagdating ng isang bagong buhay, parang pati kami ay binigyan din ng panibagong simula.
“And suddenly, even the simplest mornings feel like moments we’ll want to remember forever.
“Bagong araw, bagong chapter, at isang munting blessing na mas pinasaya ang mundo namin.
“‘For this child I prayed, and the Lord has granted me what I asked of him.’ — 1 Samuel 1:27”
Amen to that, Smokey!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments