top of page
Search
BULGAR

Nagpakilalang sundalo, nagbebenta ng armas, arestado

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 30, 2024




Naaresto ang isang lalaki matapos na mahulihan ng mga armas sa Muntinlupa City.

Binabaan ng search warrant ang suspek na nagpakilala bilang isang sundalo.


Nagbebenta ito ng mga armas at posibleng ginagamit din sa paggawa ng krimen.


Umabot ng halos isang buwan ang naging pagtiktik ng mga otoridad sa suspek bago ito tuluyang inaresto.


Nakuha mula sa tinutuluyan ng suspek ang caliber 22 na handgun, shotgun at rifle.

May mga kasunod pang gagawing operasyon ang mga operatiba kaugnay dito kaya nakiusap silang 'wag ilabas ang pangalan ng suspek.


Ayon sa hepe ng Muntinlupa Police na si Police Colonel Angel Garcillano, inamin ng suspek na ang mga armas ay kanyang pagmamay-ari at ibinibenta niya sa malalapit na kaibigan.


Itinanggi naman ng suspek na ibinibenta niya ang mga armas at sinabi nitong ipinapaayos niya lang sa kanyang mga kaibigan ang mga ito.


Tinitingnan pa ng mga otoridad kung totoong dating sundalo ang suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page