top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpakatotoo lang, Marian… JENNYLYN, NAG-ENJOY SA GINAWA NILA NI DINGDONG, GUSTO PANG UMULIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 11, 2020



Natapos na ang 10-day locked-in taping ni Jennylyn Mercado para sa fresh episodes ng Descendants of the Sun Ph at kasalukuyan na siyang nagpapahinga sa kanyang bahay matapos siyang i-swab test after the taping.


Kahit nanibago at nahirapan sa “new normal” na locked-in taping na walang uwian, umuwing masaya and fulfilled ang Kapuso Ultimate Star dahil worth naman ang lahat ng kanilang effort.


Sa 10 days na pananatili nila sa Rizal (location ng taping), puring-puri ni Jen ang leading man na si Dingdong Dantes dahil dito raw niya talaga nakita kung gaano kabuting tao ang aktor.


Napakabait at napaka-professional daw ni Dong kaya naman sobrang thankful ni Jen na nakatrabaho ito. In fact, given the chance ay gusto raw niya itong makatrabaho ulit.


Magpapahinga lang si Jen sandali at pagkatapos ay sasabak na naman sa taping nila ng real-life sweetheart na si Dennis Trillo para sa I Can See You drama anthology na reunion project nila after 5 years.


Sa ngayon ay excited na ang mga fans ng DOTS Ph sa muling pagsasaere ng serye.

Sisimulan ulit mula sa episode 1 ang serye at tuluy-tuloy na ito hanggang sa fresh episodes. Malapit na malapit na itong mapanood kaya abangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page