top of page

Nagpaalam sa 10M subscribers… DONNALYN, GOODBYE NA SA PAGBA-VLOG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 28 minutes ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 27, 2025



FRANKLY - DONNALYN, GOODBYE NA SA PAGBA-VLOG_FB Donnalyn

Photo: FB Donnalyn



Bago matapos ang taon, may importanteng announcement na isinagawa ang content creator-aktres na si Donnalyn Bartolome.


Inanunsiyo ng girlfriend ni JM de Guzman sa kanyang latest vlog na may titulong The Gift Reverse na titigil na siya sa paggawa ng vlogs.


“I never really asked myself what would really make me happy. And even if I did, the answer to that would be making others happy. It’s still the same,” pagsisimula niya.


Aminado siyang hindi naging madali kung paano niya ito iaanunsiyo sa kanyang 10 million subscribers sa YouTube (YT). Pero ito raw ang kanyang regalo sa sarili.


“There’s no easy way to say this, especially to 10 million of you, but I’m saying goodbye to vlogging. That is my gift to myself,” wika niya.


“There are so many things about me that I can’t share with all of you and because of that I can’t be my authentic self. Bits and pieces of me are scattered. You can’t paint the full picture with it,” paliwanag niya.


Pinasalamatan ng content creator ang lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang vlogging career dahil natulungan din daw niya ang kanyang pamilya dahil dito.


“I wanna thank all of you. Because of your support, I was able to help provide for my family, my loved ones, and other people. I was able to share opportunities with everyone around me because of you.


“Thank you for your forgiveness for the time I slipped, and thank you for remembering and

celebrating me for the things I did right,” mensahe niya.


Pero bago tuluyang namaalam ay gagawa pa raw siya ng 10 vlogs kung saan puwedeng mamili ang kanyang mga supporters kung ano ang gusto nilang i-vlog niya.


“So I offer you the last 10 vlogs. The last 10 and you get to choose who or which personality you want to see on the channel and what we’ll do,” pagtatapos ni Donnalyn.

Why naman kaya titigil si Donnalyn Bartolome sa paggawa ng content lalo na sa vlogging? Hmmm…



MATAGUMPAY na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach program na pinamagatang ‘Purple Hearts Foundation Gives Back’ sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.


Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya, mga magulang at anak, bilang pagpapakita ng paniniwala ng foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya. Nagsimula ang programa bandang alas-10 ng umaga at nagtapos ng ala-1 ng hapon, na isinagawa nang maayos at may malasakit sa bawat dumalo.


Ang programa ay pinangunahan ng young singer na si Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salu-salo. 


Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts supplement products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.


Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. 


Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.


Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl na pinamagatang Opo, Thank You Po, isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat. 


Ang mensahe ng awitin ay tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.


Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa upang matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.


Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.


Ngayong Linggo, ilalabas ang Opo, Thank You Po, ang latest single ni Love Kryzl, kasabay ng official music video nito sa Facebook (FB) page at YouTube (YT) channel ni Love Kryzl.


Sa kasalukuyan, available na for streaming ang nasabing kanta sa Spotify worldwide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page