top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagmamanipula sa presyo ng agri products, tuluyan!

  • BULGAR
  • Jan 23, 2023
  • 1 min read

@Editorial | Enero 23, 2023


Sa haba ng panahon, problema pa rin ang mga 'economic saboteurs' o silang mga sinasamantala ang ekonomiya ng bansa.


Pinaghusay pa nila ang mga galawan at talagang 'di matinag. Kumbaga, na-master na nila ang pagmamanipula sa presyo ng mga produkto.


Biglang nagkakaroon ng shortage, magtataasan na ng presyo, mananawagan ng importation, at habang nangyayari 'yan talamak din ang smuggling.

Silang mga smugglers, abusadong traders at taga-gobyerno na korup ang nakikinabang habang maraming Pinoy naman ang nagdurusa.


Kaya ang hamon sa gobyerno, wakasan na ang pananabotaheng ito.


May panawagan na rin sa Department of Justice (DOJ) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), na imbestigahan ang mga nagmamanipula sa presyo ng agricultural products.


Ikulong na ang mga ‘economic saboteurs’ na nagpapahirap sa mga Pilipino.


Ipakita natin na may batas at mas makapangyarihan ito kesa pera o impluwensya. Kailangang may makulong at masampolan upang tuluyang masawata ang ganitong uri ng gawain.


Sa ating Pangulong Bongbong Marcos, na kalihim din ng Department of Agriculture (DA), ito na ang panahon para magalit at mapanagot ang mga nananamantala sa ating bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page