top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Nagmamaneho bawal gumamit ng cellphone kahit tawag o text

Writer: BULGAR
BULGAR
5 minutes ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 11, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ako po ay nagmamaneho noong isang araw nang sawayin ng kaibigan ko na nagsabing bawal tumawag gamit ang cellphone habang nagmamaneho. Sinabi ko sa kanya na maaari namang gumamit ng cellphone habang nagmamaneho, basta’t para lamang sa pagtawag at hindi para mag-text o magbasa ng text. Subalit, pinipilit ng kaibigan ko na tama siya, ayon sa batas. Totoo po ba ang sinasabi niya? Nais ko pong maliwanagan. Maraming salamat po.


— Jenina Ubina





Dear Jenina Ubina,


Sa panahon ngayon, malaki ang naitutulong ng mga cellphone at iba pang gadgets sa ating pang-araw-araw na buhay. Gayunman, maaari rin silang maging sanhi ng mga aksidente kapag ginagamit habang nagmamaneho. Dahil dito, ipinatupad ang Republic Act (R.A.) No. 10913, o mas kilala bilang “Anti-Distracted Driving Act,” upang maiwasan ang pagkagambala habang nagmamaneho at mapanatili ang kaligtasan sa kalsada. Layunin ng nasabing batas na paalalahanan ang mga drayber na maging responsable at laging ituon ang kanilang atensyon sa pagmamaneho. Ayon sa Section 4 (a) ng R.A. No. 10913:


“Section 4. Distracted Driving. - Subject to the qualifications in Sections 5 and 6 of this Act, distracted driving refers to the performance by a motorist of any of the following acts in a motor vehicle in motion or temporarily stopped at a red light, whether diplomatic, public or private, which are hereby declared unlawful:


  1. Using a mobile communications device to write, send, or read a text-based communication or to make or receive calls, and other similar acts; and


  1. Using an electronic entertainment or computing device to play games, watch movies, surf the internet, compose messages, read e-books, perform calculations, and other similar acts.” 


Sang-ayon sa batas, ipinagbabawal sa isang motorista ang paggamit ng kaniyang telepono o anumang mobile communications device upang sumulat, mag-send, o magbasa ng mga text messages, pati na rin ang pagtawag o pagtanggap ng tawag, habang ang sasakyan ay umaandar o nakahinto dahil sa red light. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page