Nagmamando ng trapiko… Sekyu, nabundol ng SUV, patay
ni Lolet Abania | August 25, 2022

Patay ang isang 52-anyos na security guard na nagmamando ng trapiko matapos na masagasaan ng humaharurot umanong SUV sa Dasmarinas City, Cavite.
Batay sa report ng GMA Regional TV, tumilapon pa ang security guard ng ilang metro mula sa puwesto nito dahil sa lakas ng impact ng pagkakabundol sa kanya.
Agad na isinugod ang biktima sa Dasmariñas City Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Dasmariñas City Police. Habang nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Samantala, nanawagan ang Cavite Police Provincial Office sa mga drayber na palagiang mag-ingat at ugaliing magdahan-dahan ng pagmamaneho sa mga lansangan.





Comments