Nagmahadera, surprise nawala na…

ALAHERANG SUMIRA NG MARRIAGE PROPOSAL NIYA KAY JESSY, IDEDEMANDA NI LUIS
Julie Bonifacio - @Winner | December 16, 2020

Nakatakdang magsalita ang newly-engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa naganap na engagement nila and the story behind the "controversial" ring.
As of this writing, balita namin ay nai-shoot na ni Jessy ang video kung saan ikinuwento niya ang nangyari sa wedding proposal sa kanya ni Luis.
Kuwento ng aming source, iyak daw nang iyak si Jessy habang idinedetalye ang naganap na proposal at kung ano talaga ang nangyari sa engagement ring sa kanya ni Luis.
May kuwento rin kaming narinig na diumano ay tila nag-feeling super close ang may-ari ng jewelry shop kay Jessy, na tipong pasikreto pa raw itong nagpapadala ng pagkain at iiwan sa pintuan ng bahay ng fiancèe ni Luis. Saka lang daw tatawag ang alahera kay Jessy para sabihin na dinalhan niya ng pagkain ang female celeb.
Dahil feeling super close nga raw ang alahera kay Jessy kaya maaaring gusto nga raw nitong magpa-impress sa fiancèe ni Luis kaya agad niyang ipinakita at ipinasuot sa aktres ang singsing na supposedly ay sikreto pa.
Ayon pa sa aming source, tila pinag-aaralan ng kampo ni Luis ang posibilidad na maghain sila ng kaso laban sa alahera.





Comments