Naglipana ang napakaraming krimen sa panahon ng pandemya
ni Ka Ambo - @Bistado | November 6, 2021
MARAMING krimen sa panahon ng pandemic ang lihim na nagaganap.
Mistulang normal ito sa panahon ng pandemic!
◘◘◘
UMAAPELA ngayon ang NGO kay Gov. Danilo Suarez na huwag nang makialam sa kaso ng isang konsehal sa bayan ng Lopez.
Ayon kay Prof. Salvador de Guzman, tagapagsalita ng grupo, dapat dumistansiya si Suarez sa kaso ni Lopez Municipal Councilor Arkie Yulde na nahaharap umano sa kidnapping at serious illegal detention with rape at child abuse.
◘◘◘
NANINIWALA si De Guzman, na makakamit ng biktima ang hustisya kung hindi makikialam si Suarez sa kaso.
Si Yulde ay kandidatong mayor sa bayan ng Lopez sa ilalim ng Lakas CMD party.
◘◘◘
ANG kaso ni Yulde ay naka-pending for trial sa Regional Trial Court branch 53 sa Rosales, Pangasinan.
Isinagawa ang arraignment ng kaso noong Oktubre 27.
◘◘◘
NAGPAPASALAMAT ang grupo sa hukom na may hawak sa kaso dahil sa mabilis pag-aksiyon na mailipat si Yulde sa BJMP sa Balungao, Pangasinan mula sa detention jail sa Quezon province.
Nauna rito, naantala ang paglilipat kay Yulde matapos itong maghain ng writ of habeas corpus sa korte ng Lucena City pero ibinasura ng hukom ang petisyon.
◘◘◘
KINASUHAN ang konsehal ng biktima na si Alyas Ana matapos umano itong puwersahang dukutin, ikulong at paulit-ulit na halayin sa loob ng isang hotel sa Rosales, Pangasinan.
Gayunman, sa arraignment ay “not guilty” ang sagot ni Yulde nang tanungin siya ni Judge Roselyn Andrada-Borja.
Ang mga abogado umano ni Yulde ay dating mayor at isang dating bise-alkalde sa Pangasinan.
◘◘◘
NAKAKULONG ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Balungao, Pangasinan alinsunod sa desisyon ni Judge Borja.
Si Yulde ay inaresto noong Setyembre 20 sa bisa ng warrant of arrest.





Comments