Naglilihi sa soon-to-be misis mo, Arjo? ERICH, TUWANG-TUWA AT GUSTONG MAGING FRIEND SI MAINE
ni Ambet Nabus @Let's See | March 29, 2023

Ano nga kayang magic meron si Maine Mendoza na kahit ang gaya ni Erich Gonzalez ay feel na feel siyang maging close friend?
Sa chikahan nina Erich at kaibigang si Enchong Dee sa vlog nito, lumabas ang pagka-fan ng aktres para kay Maine.
Tuwang-tuwa raw kasi ang super-milyonarya ngayong aktres sa humor at pagiging natural ng TV host-actress.
"Every time na pinapanood ko siya sa Eat… Bulaga!, talagang tawa ako nang tawa sa mga hirit niya. Sobrang feel-good lang. Siguro, ang sarap din niyang makasama at maging kaibigan," sey pa ni Erich.

Sumang-ayon naman si Enchong, though sinabi nitong kahit super close siya kay Arjo Atayde, ang soon-to-be mister ni Maine, hindi pa rin daw siya close kay Menggay.
Hirit pa nito, "Ako rin, gusto kong maging close friend si Maine."
Hmmm, teka lang, mga Ka-Bulgar at Ateng Janiz, hindi kaya naglilihi na si Erich at si Maine ang kinagigiliwan nito sa ngayon?!





Comments