Naglayas sa bahay nila… ASHLEY, 4 NA TAON NA, ‘DI PA RIN KAYANG PATAWARIN NG MADIR
- BULGAR

- 17 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 27, 2026

Photo: Ashley Ortega - Instagram
HINDI pa pala nagkakaayos sina Ashley Ortega at ang mom niya at 4 years na silang hindi nagkikita mula nang umalis ang aktres sa bahay nila nang walang paalam.
Minimal din ang communication nila. Nagparamdam lang ang mom ng aktres noong nasa Bahay ni Kuya siya sa Pinoy Big Brother (PBB). Sumulat ang mom niya sa kanya pero hanggang doon lang.
Sabi ni Ashley sa interview na umere sa GMA-7, nagpadala siya ng flowers sa mom niya pero wala itong sagot.
Ramdam ang sakit kay Ashley habang binalikan ang nangyari sa kanila ng mom niya.
“Nagtatampo pa rin s’ya. I left without saying goodbye. I just needed time for myself and to grow. Four years and four Christmases na without her. It’s painful. Every day I pray things will be better,” sabi ni Ashley.
Sa tanong ni Nelson Canlas kung nag-reach out ba siya sa mom niya, sagot niya, “Of course, nag-reach out ako, pero wala pa rin. I had to step out para lang ‘di uli ma-trigger. It’s hard not having a relationship with her.”
Ang hirap nga noon, hindi niya mai-share sa mom niya ang nangyayari sa career at personal life niya. Hindi niya maikuwento ang boyfriend niyang si Mavy Legaspi. Hindi rin niya mai-share ang magagandang projects na ginagawa niya at isa rito ang GMA Afternoon Prime na Apoy sa Dugo (ASD). Bida-kontrabida ang role ni Ashley at maganda kung mapapanood siya ng mom niya.
Siguro nga, sobrang nasaktan ang mom ng aktres sa bigla niyang paglalayas kaya hindi pa siya magawang patawarin at muling tanggapin sa buhay niya.
Naaawa ang mga fans kay Ashley Ortega pero tanong nila, bakit daw ito naglayas?
MAY paglilinaw na agad bago pa ma-bash si Tom Rodriguez na bakit siya ang leading man ni Bea Alonzo sa sisimulan nitong series sa GMA-7.
Hindi magkatambal sa Whispers from Heaven (WFH) ang dalawa, walang leading man si Bea pero isa si Tom sa main characters ng series na isang political drama thriller.
Nagkaroon na ng storycon ang series na ididirek ni Zig Dulay at present ang karamihan sa cast. Bukod kay Tom, kasama rin sina Maricar Reyes, Cassy Legaspi, Jason Abalos at Jake Macapagal.
First time for Bea and Tom to work together at first time rin ni Bea na makasama ang cast bukod kay Maricar na nakatrabaho na niya sa isa niyang series sa ABS-CBN.
Excited na si Bea to work again dahil ang last series niya ay ang Widows’ War (WW) pa kung saan kasama naman niya si Carla Abellana.
NAIBAHAGI ni Carlo Aquino ang nabasa niyang comment ng mga fans ni Bela Padilla na kapag daw nauulanan ang aktres sa mga pelikula nito, siguradong paiiyakin nito ang mga moviegoers.
Paano ‘yan at sa isa nilang promo ng movie nilang A Special Memory (ASM), habang ang background music ay ang Himala ng Rivermaya, nasa ulanan sila pareho at basang-basa?
Tanong ng mga fans, ibig bang sabihin, dobleng iyak ang kanilang gagawin? Dobleng sakit ang kanilang mararamdaman habang pinapanood ang pelikula ni Director Jerry Lopez Sineneng?
Parang tama raw ang comment ng isang fan na dapat ay hindi lang panyo ang dalhin ng mga moviegoers kapag pinanood nila ang movie kundi small towel dahil iiyak sila nang husto.
May nag-comment na nga ng “Naulanan na naman si Bela, masakit ‘yan for sure.”
Samantala, nagbiro si Carlo na nanginginig siya sa lamig habang kinukunan ang nasabing promo, hindi lang niya ipinahalata.
Kahit naman si Bela, siguradong gininaw sa promo shoot, mabuti na lang at take one.
Be ready guys dahil sa mga quiet moments ng mga karakter nina Bela Padilla at Carlo Aquino kayo mas iiyak.
Sabi nga ni Bela Padilla, “Damay-damay na ‘to guys. Kasama ang isa pang mapanakit @jose_liwanag.”




Comments