Nagkawatak-watak na naman mga Pinoy dahil sa pelikulang 'Maid in Malacañang'
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 6, 2022
DAHIL SA PELIKULANG 'MAID IN MALACAÑANG', MALABO NA MANGYARI ANG GUSTONG UNITY NI P-BBM—Dahil sa pelikulang "Maid in Malacañang" ni Darryl Yap ay nagkawatak-watak na naman ang mga Pilipino kaya't malabo na magkaroon pa ng katuparan ang panawagang unity ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa pelikula kasing ito ay pinalabas na good ang pamilya Marcos at bad ang pamilya Aquino, lalo na si dating Pangulong Cory Aquino na may eksena pang kamadyungan ang mga madre sa Cebu.
Dahil hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng pamilya Aquino ang tema ng "Maid in Malacañang" at nagustuhan naman ng mga loyalista at DDS ang pelikulang ito, kaya kita sa social media na nagbabangayan na naman sila.
◘◘◘
TUMINDI NA NAMAN ANG BANGAYAN SA SOCIAL MEDIA NG MGA 'DILAWAN-KAKAMPINK' VS. 'LOYALISTA-DDS'—Ang pelikulang "Maid in Malacañang" ni Darryl Yap ay tinapatan ni Direk Vince Tanada ng pelikulang "Katips" na may kaugnayan naman sa kalupitan ng Martial Law noong panahon ni ex-Pres. Ferdinand Marcos.
Dahil sa tapatan ng mga pelikulang 'yan, lalong tumindi ang bangayan ng mga "dilawan-kakampink" vs. "loyalista-DDS".





Comments