top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagkakalat ng fake news, pinahahanap na para kasuhan…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2020
  • 3 min read

BFF NA MAYOR, MUNTIK ATAKEHIN SA PUSO NANG MALAMANG PATAY NA SI SEN. BONG

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 20, 2020



First time ulit na nakaharap ng entertainment press si Sen. BONG Revilla after so many months via Zoom tsikahan last Friday. Kagagaling lang ng aktor/pulitiko mula sa pagkakasakit ng COVID-19 at timing naman na magdiriwang siya ng kaarawan next week, Sept. 25, kaya napakagandang birthday gift for him ang kanyang panibagong buhay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga sunud-sunod na mabibigat na pagsubok na dinaanan ni Sen. Bong at ipinagpapasalamat niya sa Panginoong Diyos na nalampasan niya ang lahat ng ito.


Natanong nga siya kung ano ang mas matindi between having COVID-19 at makulong nang more than 4 years, aniya ay ang huli.


“Mas mahaba ‘yung 4 years (and) 6 months, eh. ‘Yung COVID, sandali lang ito, eh, so pinakamahirap pa rin ‘yung nakulong ako ng 4 years, 6 months. ‘Yung sakit man ng katawan, alam mo, kahit ano’ng sakit ng gulpi na inabot mo sa katawan, kaya ko ‘yan, eh, kaya ng pag-iisip ‘yan.


“Pero ‘yung mag-suffer ka nang 4 yrs. and 6 months, lalung-lalo na kung hindi mo ginawa at napulitika ka, napakasakit nu’n. ‘Yun ang hanggang ngayon, hindi ko matanggap-tanggap. Pero tapos na sa akin ‘yun,” pahayag ni Sen. Bong.


Aminado rin ang aktor/pulitiko na isa pang ikinalungkot niya ay ang fake news na kumalat na patay na siya habang nagpapagaling sa COVID. Napakarami raw nag-alala at nag-iyakan dahil akala ay totoo ang balita.


To make the matter worse ay may isa siyang kaibigang mayor na muntik pang atakehin dahil nga inakalang patay na siya.


“Mayroon akong isang kaibigang mayor, biglang may nagbalita sa kanya, ‘Mayor, Mayor, namatay na raw si Bong Revilla!’ ‘Ha?’ Kamuntik na atekihin ‘yung tao, hanggang sa natulala siya. Eh, malapit sa akin ‘yung taong ‘yun,” kuwento ni Sen. Bong.


Saka lang daw nahimasmasan ang kaibigan niya nang ma-confirm na buhay pa siya. Bukod dito ay napakarami raw tumawag sa kanyang umiiyak na akala nga ay totoo ang balita.


“Kaya nakakalungkot. Ito na ba ngayon ang mundo natin? Ito na ba ang hinaharap natin ngayon? Ito na ba ‘yung hinaharap na kinabukasan ng ating mga anak, ng ating mga apo. Sana naman, mabago ito.


“Kaya ‘yung sa fake news na ‘yan, we will do something about it,” he said.


Pinaimbestigahan na raw niya sa Philippine National Police at sa National Bureau of Investigation at ipinapakuha na niya ang background ng mga fake news spreader na ito.

“This has to stop,” mariing wika ni Sen. Bong.


Hindi pa masabi ni Senador Bong kung magsasampa siya ng kaso sa mga bashers at nagkakalat ng fake news.


“'Pag sobra-sobrang paulit-ulit na, napaka-plastic ko na, parang ‘di na ako totoong tao kung ‘di ko sila hagarin, ‘di ba? Dadaan tayo sa legal kapag dumating tayo sa aspeto na ‘yan. Pero hangga’t mapapatawad ko at matitiis ko sila, titiisin ko,” aniya.


Samantala, isa rin sa mga naitanong namin kay Sen. Bong ay kung tuloy pa ba ang planong pagsasama nila ni Maine Mendoza sa pelikula at aniya ay wala pa raw.

“Lalo na itong panahon ng COVID ngayon, but isa ‘yun sa gusto kong mangyari kung mangyayari ‘yun,” he said.


Napabalita ring magsasama sila ni Kathryn Bernardo sa isang movie pero aniya, “May nabalita na ganu’n, I hope I could work with Kathryn, pero wala po.”


Ang tuloy na tuloy so far ay malapit na raw ipalabas ang fantasy series niya sa GMA-7 na Agimat ng Agila na noon pa nila sinimulang gawin and soon ay magre-resume na nga sila ng taping.


Bilang pasasalamat sa kanyang kaarawan, naglunsad si Sen. Bong ng KAPS Amazing Gadget Give-away kung saan ay mamimigay siya ng 1,500 tablets para sa mga mag-aaral sa Luzon, Visayas, Mindanao, at sa National Capital Region (NCR).


Nakatakdang ianunsiyo sa Sept. 20 kung sino ang mga pinalad na magkakaroon ng tablet.


Mariin ding ibinilin ni Sen. Bong na sa mga hindi nakapagsumite ng entry ay sumubaybay na lamang sa ‘live’ niya dahil may mga karagdagang ipamimigay, sorpresa at marami pang kasiyahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page