Nagkakabit ng solar panel nakuryente, patay
- BULGAR

- Sep 2, 2023
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | September 2, 2023

Dedo matapos makuryente ang isang binata habang nagkakabit ng solar panel sa Bgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite kamakalawa.
Natusta ang katawan ng biktima na si Archie Manlanat Quilaw, 27, residente ng Sitio Postema, Bgy Amaya Tanza.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente kung saan nagkakabit ng electrical solar panel ang biktima sa mga bagong tayong poste na nasa kahabaan ng kalsada nang bigla itong makuryente na agad nitong ikinamatay.





Comments