top of page

Nagka-second life dahil sa ex-pres… SEN. ROBIN: DIGONG, ‘DI KO SINASAMBA, MAY UTANG NA LOOB LANG AKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 26, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Nag-viral sa social media ang video ni Senador Robin Padilla habang naglalakad sa The Hague Netherlands at buhat-buhat ang cardboard standee ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nagpaliwanag si Senator Robin na hindi niya sinasamba ang standee, bagkus ay pinapahalagahan niya lang ang dating Pangulong Duterte.


Ito ang kanyang mga sinabi sa kanyang social media: “Bismillah. Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng mga daigdig.


“Ang tanging hukom at hari sa araw ng paghuhukom, ang Allah lamang ang aking sinasamba at sa kanya lamang ako humihingi ng tulong. Amen.


“Ang taong bitbit ko ay pangalawa sa Allah sa aking pinasasalamatan.


“Si Tatay Digong ang nagbigay sa akin ng absolute pardon, bagong panganak sa usapin ng pagkakasala sa batas ng Pilipinas, kaya pangalawang buhay para sa isang triple XXX ex-badboy, ex-rebelde at ex-convict, ang pangalawang pagkakataon para magpakabait at magpaka-goodboy ay liwanag sa dilim, sapagkat ang pangalawang pagkakataon ay pag-asa para sa adhikaing Katipunan.


“Ang madinig at mangyari sa 4 na sulok ng bulwagan ng Senado, isang panaginip at pangarap na naging katotohanan. Nailabas ko ang karamihan sa niloloob ng mapayapang rebolusyon sa mga pampublikong pagdinig at sa plenaryo ay napakalaki ng tagumpay kahit hindi nabigyan ng pagkakataon sa plenaryo ang committee report ng constitutional reform ay okey pa rin, katanggap-tanggap pa rin sapagkat nasa talaan na ito ng Senado at may ilan pa rin ang nakapakinig sa mga pampublikong pagdinig na aking isinagawa. “Napakalaking bagay na ‘yun sa pakikibaka. Alhamdulillah ang lahat ng ‘yun ay nagawa ko sa Senado, sa pinakamataas na kapulungan. Allahu Akbar!


“Sa pagpapala ng Allah! Ang taong ito ang nagbigay sa akin ng utos na mag-senador at ginawa niya akong senador sa pahintulot ng taongbayan.


Hindi pagsamba sa kanya bilang poon ang ginagawa kundi pasasalamat sa pagbuhat sa aking pagkatao nong ako ang nasa ilalim sa gulong ng buhay.


“Kaya’t ang pagbuhat ko sa larawan o ang pagpapakuha ko sa mga larawan ni Tatay Digong ay tanda ng hindi paglimot sa taong ginamit ng Allah para ako’y maging bagong tao.


“In shaa Allah ay ‘wag tayong makalimot sa ating katangian na may pagpapasalamat, paggalang at may pagtanaw ng utang na loob dahil ito ay pagiging Tunay na Pilipino. Allahu Akbar. Allahu Akbar. Allahu Akbar,” pagtatapos ni Senator Robin Padilla.


Uy, heard na may inaasinta na raw na girlalu ang dyunak ni Kris Aquino na si Bimby. Ang name daw ng girlalu ay Cassandra Ynares na teenage daughter ng mag-asawang Jun at Andrea Ynares at pamangkin ni Sen. Bong Revilla, Jr..


Ang tanong tuloy ng ilang Marites at tribu ni Mosang ay si Cassandra na ba ang isa sa tatlong girls who Kris Aquino would like her son Bimby to be his girlfriend?


Heto naman ang paglilinaw ni Cassandra, “Don’t believe what you see online. Bimby and I are just close friends.”


Ang friendship daw ng dalawa ay nagsimula noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Mula noon hanggang ngayon ay na-maintain daw nila ang kanilang closeness.

“It’s always nice to have him around,” sey pa ni Cassandra.


Sa edad daw niya ay talagang no-no pa ang magkaroon ng boyfriend.


Pati nga raw ang pagpasok niya sa showbiz ay may kondisyon siya, as in… ‘studies first.’


Oh, sey mo, Bimby? Studies first daw muna, sey ni Cassandra, okidoki?


Pero kung gusto mong magka-girlfriend na, Bimby, go ahead, basta pasado ‘yung girlash sa Mommy Dearest Kris Aquino mo.

Pak, ‘yun na!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page