top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagka-COVID ang PSG, wa’ epek ang smuggled Sinovac?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 09, 2021



Lumipad tungong Singapore si Mayor Inday.


Eh, bakit?


◘◘◘


NILINAW ni Sen. Bong Go na malusog si P-Digong.


Eh, nasaan siya?


◘◘◘


TINAMAAN ng COVID ang PSG.


Huh, hindi tumalab ang smuggled Sinovac?


◘◘◘


TULOY ang deadline ng tax payment next week.


Ano ang babayaran mo kung sarado ang negosyo at walang trabaho?


◘◘◘


NILINAW ng U.S. na ireresbak nila ang Taiwan at Pilipinas sakaling magkaputukan sa West Philippine Sea.


‘Yan ang pabalita, hindi malinaw kung tototohanin.


Kailangan magkaputukan muna!


◘◘◘


PINALIPAD na rin ng Japan ang kanilang jet fighters kontra sa pambubuwisit ng China.


‘Yan ay aktuwal na babala sa digmaan!


◘◘◘

KAPAG hindi nagpakita sa publiko si P-Digong sa loob ng isang linggo, lalong babagsak ang ekonomiya.


Pagdududahan ang katatagan ng ating bansa!


◘◘◘


MATAGAL nang hindi nagpapakita sa publiko si DILG Secretary Eduardo Año.


Dapat siyang magkusang magbitiw, parang awa na niya sa Republika!


◘◘◘


KUNG totoong sundalo si Sec. Año, dapat nauunawaan niya ang esensiya ng public service.


Kapos siya sa oryentasyon bilang public servant!


◘◘◘


KAILANGAN ni P-Digong ay aktibong hepe ng DILG.


Bakit ayaw magtalaga ng bihasa sa local government at umiwas nang magtalaga ng mga heneral?


◘◘◘


KAILANGAN ng bayan ay puso, malasakit at pang-unawa.


Hindi maibibigay yan ng mga dating heneral na ang oryentasyon ay “bala at bota”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page