top of page

Nagka-bacterial meningitis, mata at tenga apektado… LANI, AMINADONG NASISINTUNADO NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 8, 2025




Grabe pala ang nangyari at tumamang sakit sa Asia’s Nigtingale na si Ms. Lani Misalucha at sa kanyang asawang si Noli Misalucha.


Naawa kami sa magaling na singer but at the same time, mas lumaki ang respeto namin sa kanya dahil sa kanyang passion at professionalism sa trabaho at mundong minahal niya nang 40 years!


Yes, 40 yrs. na sa music industry ang 55-year-old na Asia’s Nightingale, kaya naman naisip ng Backstage Productions na ipag-produce siya ng isang very special concert na gaganapin sa The Theater at Solaire on Aug. 21, 2025, 8 PM, titled Still Lani.


Sa media launch ngang ginanap kahapon sa Pandan Resto, QC, bagama’t masakit alalahanin ang nangyaring matinding pagsubok sa kanilang mag-asawa, ni hindi namin nakitang umiyak at naging emosyonal si Lani habang idinedetalye kung paano nila nakuha ang bacterial meningitis na tumama sa kanila ng mister noong October, 2020, kasabay ng kasagsagan ng pandemic.


Kuwento ni Lani, kahit ang mga doktor ay hindi diretsong matukoy kung saan nila nakuha ang bacterial meningitis, pero may suspetsang sa nakain nilang contaminated.

At ang epekto ng sakit na ito, pareho silang mag-asawa na paningin at pandinig ang tinamaan.


Actually, nang itsek daw ng mga doktor ang kanilang mata at tenga ay walang problema kundi sa nerve lang talaga sa brain tumama ang bacteria, na hanggang ngayon nga ay hindi na bumalik sa 100% normal ang kanilang paningin at pandinig.

Kapag lumilingon at ipinapaling daw nila ang kanilang ulo ay nagbe-blurred ang kanilang vision at nahihilo sila. Pero siyempre, bilang singer, mas mahalaga para kay Lani Misalucha ang kanyang pandinig para makakanta nang tama sa tugtog at hindi masintunado.


Kaya bumilib din kami kay Lani nang aminin niyang mula nang nangyari ito sa kanilang mag-asawa 5 yrs. ago, distorted sound na raw ang naririnig ng kanyang right ear kaya siya nasisintunado.


So, ‘yung left ear na lang talaga niya ang ginagamit niya para makinig ng tamang tono. At thankful naman daw siya sa buong team ng Still Lani dahil kahit aminado siyang may takot siya na baka masintunado kapag kumanta nang live sa upcoming concert niya on August 21, naniniwala raw siyang hindi siya pababayaan ng mga ito para makapagbigay sila ng isang maganda at special show sa lahat ng mga fans ng Asia’s Nightingale.


At ang isa pang nakakabilib kay Lani Misalucha ay ang napakapositibo niyang pag-handle sa matinding pagsubok na ito na dumating sa kanilang buhay-mag-asawa.

Aniya, ayaw niyang isipin na kagustuhan ito ng Diyos kundi ito’y tadhana kaya nangyari sa kanila. Kaya wala siyang ni katiting na galit o panunumbat, at sa halip, thankful daw siya na buhay pa rin silang mag-asawa at kasama ang kanilang mga anak at apo.

Kaya naman bilang pasasalamat din sa mga patuloy na kumakanta at tumatangkilik ng kanyang mga old hits tulad ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, Tunay na Mahal, Tila atbp., ito na ang pagbabalik-pasasalamat ni Lani, ang kanyang Still Lani concert na mula sa musical direction ni Toma Cayabyab at concert director naman si Calvin Neria.

Sa The Theater at Solaire piniling ganapin ang concert kesa sa mas malalaking venues tulad ng Smart Araneta Coliseum, MOA Arena o Phil. Arena dahil mas gusto ni Lani Misalucha na maging intimate ang Still Lani.


Ngayon pa lang, inaabangan na ang mga birit songs ni Lani Misalucha sa kanyang 40th anniversary concert titled Still Lani, maging ang kanyang mga special guests na for sure, close to her heart din.


So, guys, matagal pa ang August 21, kering-keri pang mag-ipon para maka-watch kayo ng Still Lani.




ISA ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa mga naging bising-busy sa kampanya ng mga sinusuportahang kandidato ng mga celebrities.

Bukod kay Bam Aquino na tumatakbong senador, suportado rin ni Papa P. ang Ang Probinsiyano Partylist (APPL).


Bumaba kamakailan mula sa entablado ng showbiz ang nag-iisang Piolo Pascual upang makiisa sa adbokasiya ng tunay na serbisyo.

Siya ay mainit na tinanggap ng mga taga-Zamboanga at Pagadian sa sunud-sunod na Grand Rally ng Ang Probinsyano Partylist (APPL).


Kasama niya sina Representative Alfred "Cong. Apid" Delos Santos at isa pang APPL nominee na si Edward Delos Santos sa mga pagtitipong nagsilbing pagsasama ng malasakit, kasiyahan at kongkretong aksiyon para sa mga probinsiya.


Kaya naman, kapansin-pansin ding medyo pumayat si Piolo dahil siguro sa kaliwa’t kanang kampanya, pero dahil ilang araw na lang ay eleksiyon na, puwede na siyang bumawi ng pahinga pagkatapos nito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page