Pabagsak ng peso sa dolyar, hindi nakakatuwa!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 25, 2022
KAPAG GINAWANG PRESS SECRETARY ANG VLOGGER, HUWAG NA MAGTAKA SA FAKE NEWS—Sablay ang pabida ni Press Sec. Trixie Angeles, na sa mga world leaders na dumalo sa United Nations General Assembly sa New York, tanging si Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos (P-BBM) lang ang hinarap ni United States (US) Pres. Joe Biden kasi ang totoo ay may iba pang world leaders din na hinarap ang presidente ng Tate.
Dahil sa fake news ni Angeles, pinutakti siya ng batikos ng publiko.
'Yan ang bad kapag vlogger ang ginawang press secretary ng presidente, fake news pa more!
◘◘◘
BAD ANG MUNGKAHI NI ENRILE NA GAWING 48 ANG SENADOR NG 'PINAS—Nais ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na gawing 48 ang senador ng Pilipinas kasi sa ngayon ay 24 ang senador ng bansa.
Sa totoo lang, bad ang mungkahi ni Enrile kasi maraming Pilipino na ang naghihirap dulot ng napakalaking utang na iniwan ni ex-P-Duterte, mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos gusto pa niyang dagdagan ang mga pulitikong palalamunin ng mamamayan?
◘◘◘
HINDI DAPAT GAWING JOKE AT KATATAWANAN ANG PAGBAGSAK NG PESO SA DOLYAR—Patuloy ang pagbagsak ng halaga ng peso sa dolyar, pero sa kabila na bad news ito sa Pilipinas ay ginagawa pang katawan ng mga netizens sa social media.
Hindi dapat ginagawang katatawanan ang isyung 'yan kasi sa totoo lang, hindi lang mahihirap na Pinoy, kundi lahat ng Pilipino ay magdurusa kapag nagpatuloy ang paghina ng peso sa dolyar dahil ang epekto niyan sa buhay ng mamamayang Pinoy ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
◘◘◘
BAKA SIBAKIN NI P-BBM ANG KANYANG NATIONAL SECURITY ADVISER DAHIL SA ATAKE NITO SA KANYANG ERPAT NOONG BATAS-MILITAR—Sa ika-50-taong anibersaryo ng batas-militar noong Sept. 21, muling kumalat sa social media ang statement noong January 2022 ni National Security Adviser Clarita Carlos, na dapat tanggapin ni P-BBM ang kalupitan ng mga sundalo noong panahon ng kanyang amang si former Pres. Ferdinand E. Marcos. Sr.
Naku, kapag nalaman ni P-BBM na may sinabi palang ganyan si Carlos, malamang ay sibakin ito.





Comments