top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Naghasik ng karahasan sa halalan, papanagutin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2023
1 min read

@Editorial | November 1, 2023


Bagama’t naging matiwasay ang kabuuang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023, nakapanlulumo pa rin ang mga insidente ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), 19 katao ang namatay at 19 iba pa ang nasugatan na may kaugnayan sa halalan.

Bagama’t medyo mababa umano ang mga numero kung ikukumpara sa nakaraang barangay election noong 2018, patuloy pa ring sanhi ng alalahanin ang mga bilang na ito.


Kahit paulit-ulit na ang paalala ng kinauukulan na iwasan ang marumi at marahas na tunggalian, may mga hindi pa rin nakinig kaya dumanak ang dugo at may mga inosente pang nadamay.


Ngayong nangyari na ang mga hindi sana nangyari, pagkakataon naman na tugisin ang mga naging sanhi ng karahasan. Panagutin ang mga nagdulot ng kaguluhan at nasangkot sa patayan.


Malaking hamon din sa gobyerno na tukuyin ang mga nasa likod ng karahasan. Alamin kung saan sila humuhugot ng lakas ng loob na gumawa ng ilegal at kung paano nakakalusot ang mga armas sa gitna ng panahon na inaasahang mas mahigpit ang sitwasyon.


Umaasa tayo na sa mga darating na eleksyon, wala nang maitalang kaguluhan at patayan. Gamitin natin ang pagkakataon na mas mapaghandaan pa ang laban sa mga pasaway sa lipunan. Huwag nating hayaang mamayani ang pang-aabuso at karahasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page