Nagdya-jogging natumbok ng e-bike, patay

by Janice Baricuatro @News | November 18, 2026

Photo: File / PNP Tanza Municipal Police Station - FB
Patay ang isang 57-anyos na lalaki matapos mabangga ng e-bike habang nagdya-jogging sa Camella-Tres Cruces Road, Brgy. Tres Cruces, Tanza, Cavite, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Arnold Pontigon Mosquida, residente ng nasabing barangay. Batay sa imbestigasyon, patungo sa All Homes ang e-bike nang mahagip nito ang biktimang nagdya-jogging sa naturang kalsada alas-4 ng hapon.
Depensa ng driver na si "Celrick," 33, nasilaw umano siya sa sikat ng araw kaya hindi niya napansin ang jogger.
Sa lakas ng impact, tumama ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada. Isinugod ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay alas-5 ng hapon habang ginagamot.
Agad namang inaresto ang driver at dinala sa kustodiya ng Tanza Municipal Police Station para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments