top of page
Search
  • BULGAR

Nagbuyangyang sa IG, pictures ipinatanggal… JERIC, 'DI MA-TAKE NA SEXY STAR ANG ANAK, KINASTIGO

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 11, 2021




Ang suwerte ni AJ Raval dahil pagkatapos ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar movie ay may bago siyang pelikula na ipapalabas na sa Abril 30, ang Death of A Girlfriend.


Bukod dito ay kasama pa siya sa action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Police Captain Andrea Villar na ka-love triangle nina Geoff Eigenmann at Jane de Leon.


Wholesome ang karakter ni AJ sa serye ni Coco Martin pero ang totoo, considered siyang sexy star na una niyang ipinakita sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar. At may mga ipinost siyang larawang naka-two-piece sa kanyang IG account, bagay na hindi nagustuhan ng tatay niyang si Jeric Raval kaya tinanggal na lang niya para walang isyu.


“Nagalit po siya kaya ngayon, deleted na 'yung post ko. Ipinaalis po. Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po ako kung work lang po, kapag kailangan.


“Mahigpit siya, at may pananakot (sa mga ex-boyfriends niya). Pero ngayon, mabait naman ‘yung boyfriend ko, close sa family, so, okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya,” kuwento ng dalaga.


Dagdag pa, “Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako."


At ang laging payo ng ama sa kanya pagdating sa pakikipagrelasyon, “Sinasabi niya lang lagi sa akin, dapat piliin ko 'yung responsible, may pangarap, kahit hindi kaguwapuhan, basta may pangarap.”


Samantala, pinuri naman ni Direk Yam Laranas si AJ dahil walang arte sa katawan at palaban sa all the way scenes nila ni Diego Loyzaga sa movie. Parehong game ang dalawang artista niya kaya napadali ang lahat sa shooting.


Panoorin ang thrilling na love trip ng Death of a Girlfriend sa April 30 sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page