top of page
Search
  • BULGAR

Nagbebenta at bumibili ng pre-registered SIM card online, sampulan

@Editorial | December 17, 2023


Hindi pa rin tumitigil ang bentahan ng pre-registered SIM card, ang masaklap, lantaran pa itong ginagawa.

 

Ibinunyag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang mga pre-registered SIM card ay bukas na ibinebenta sa isang social media application.

 

Ang mga pre-registered SIM card ay ibinebenta sa halagang P500 bawat isa.

 

Ano’ng nangyari sa SIM Registration Act? ‘Yung batas na ginawa para masugpo ang mga gawain ng mga sindikatong sangkot sa iba’t ibang scam, tila wa’ epek o hindi lang naipatutupad nang maayos?

 

Ang ilegal na bentahan ng mga pre-registered SIM card ang dahilan kung bakit patuloy tayong nakakatanggap ng mga text o link na scam.

 

Panawagan sa Department of Information and Communications Technology (DICT), dagdagan ang aksyon laban sa napaulat na lantaran at mabilis na pagbebenta ng mga pre-registered SIM card. Kailangang may masampulan para tuluyan nang masugpo ang mga online scam at cyberfraud.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page