top of page
Search
  • BULGAR

Nag-‘Wonderful Tonight’ lang si Robin Padilla, naging no. 1 senador na, ‘pag sinuwerte baka maging VP pa

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 9, 2024



DAHIL SA KANTANG ‘WONDERFUL TONIGHT’, BAKA MAGING VP NG ‘PINAS SI ROBIN PADILLA -- Pakikiusapan daw ni former presidential legal counsel Salvador Panelo si Sen. Robin Padilla na kumandidatong vice president bilang ka-tandem ni VP Sara Duterte-Carpio sa 2028 election, dahil ayon kay Panelo ay malakas na tandem daw ang Duterte-Padilla sa halalan.


Mantakin n’yo, wala namang inilatag na plataporma, kinantahan lang noon ni Padilla ng “Wonderful Tonight” ang mga botante, ibinoto na siya at ginawa pang numero unong senador, at kapag sinuwerte, baka dahil sa kantang “Wonderful Tonight” maging VP pa ito (Padilla) ng ‘Pinas, boom!


◘◘◘


TINGNAN ANG TRACK RECORD NG MGA RE-ELECTIONIST NA KASALUKUYAN AT DATING SENADOR, KAPAG WALANG NAGAWA, IBASURA SILA SA ELEKSYON -- Halos anim na buwan na lang o sa October 2024 ay filing na ng candidacy para sa 2025 midterm election at sana naman maging matalino na sa pagboto ang mga majority Pinoy.


Tingnan naman sana ng mga botante ang track record ng mga re-electionist na mga kasalukuyan at dating senador, hindi ‘yung porke sikat o kilalang personalidad ang kandidato ay iboboto na.


Ang nais nating ipunto rito, kapag ang re-electionists na kasalukuyan at dating senador ay wala namang track record na nagawang batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan, sana ibasura ang mga ito ng majority botanteng Pinoy sa 2025 election, period!


◘◘◘


FAKE NEWS ANG SINABI NI SPEAKER ROMUALDEZ NA UMUUNLAD NA ANG ‘PINAS SA PAMUMUNO NI PBBM -- Ayon kay Speaker Martin Romualdez, patuloy daw na uunlad ang Pilipinas sa pamumuno ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Fake news itong ibinibida ni Romualdez, kasi baon na baon na sa utang ang ‘Pinas at patuloy pang naghihirap ang pamumuhay ng mamamayan dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos ang pabida niya, maunlad na raw ang Pilipinas, na kesyo patuloy pa raw na uunlad, pwe!


◘◘◘


BAKA ANG UMUUNLAD, PAMUMUHAY NG MGA PORK BARREL POLITICIANS KASI BILYUNAN NA ANG PORK BARREL NGAYON -- Sa totoo lang, ang mga umuunlad na pamumuhay ngayon ay ang mga pork barrel politician.


Dati kasi, ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga senador ay P200 million at sa mga kongresista ay P70 million lang yearly, pero ngayon ay bilyunan na, ayon mismo ‘yan kay anti-pork barrel, former Sen. Ping Lacson, period!


◘◘◘


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page