Nag-unfollow sa isa't isa, tapos nag-follow uli…HIWALAYANG JAMES-ISSA, BUKING NA GIMIK LANG
ni Ambet Nabus @Let's See | November 14, 2023

"Hindi kasi pinag-usapan kaya gumimik lang nang slight," sey ng mga bashers ni James Reid.
Nag-release pala ng bagong single si James at tila may kolaborasyon pang naganap kasama ang isang kilalang Korean singer.
At dahil tila nasanay na raw ang aktor na laging pinag-uusapan sa socmed, parang nanibago ito na mukhang hindi na pinansin ang bago niyang pinaghirapang single.
Kaya ang ending, nagkunwa-kunwaring may isyu sa kanila ng GF na si Issa Pressman na nauwi nga sa pag-unfollow-han at muling pag-follow sa socmed.
Pero mas curious kami sa reaksiyon ng ilang followers/bashers nila, dahil sa sinasabing bagong "girl" na dapat kabahan si Issa.
"Clare" ang name nu'ng girl na sinasabi pang kamukha o girl version ni James, kaya't ito ang isini-ship ng mga fans including daw 'yung Jamissa group (James-Issa).
"Kabahan ka na, gurl," payo ng mga ito kay Issa dahil mukha ngang mauuwi raw sa pagiging 'good to close friends' sina Clare and James.
Siyempre, ano pa raw ba ang kasunod?
Sinubukan naming hanapin kung ano ang konek ni Clare sa showbiz, pero wala kaming makita maliban sa napakaganda nitong mukha at ingleserang kasosyalan, hahahaha!





Comments