Nag-sorry na sa kanya… MARIAN, NAPATAWAD NA ANG AKTRES NA IKINULONG DAW SA CR

ni Vinia VIvar @Frankly | October 27, 2026

Photo: IG _marianrivera
Mulingnapag-usapan ang kontrobersiyang kinasangkutan noon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos niyang direktang sagutin ang matagal nang kumakalat na tsismis na ikinulong umano niya ang isang aktres sa comfort room (CR) dahil sa selos.
Sa guesting ni Marian sa Gandang Gabi Vice (GGV) aired last Sunday, naging paksa ang old controversy na ‘padlock issue’ between her and another actress.
Direktang tinanong ni Vice si Marian kung totoo ba ang naturang kuwento.
“Is it an urban legend ‘yung padlock-padlock na ‘yan dati? Did it really happen?” tanong ni Vice.
Sagot naman ni Marian, “Kung ang tanong mo ay nangyari ba talaga? Hindi.”
She explained, “Paano mo gagawin ‘yun na ila-lock mo, eh, nasa loob ang lock? So, dalawa kaming nag-lock?”
Paglilinaw ulit ni Vice, “So the padlock thing never happened?”
Tugon naman ng aktres, “Never.”
Ayon kay Marian, naging guest pa niya ang nasabing aktres sa sarili niyang programa na Marian noong 2014. Ibinahagi rin niyang nagkaroon na sila ng pagkakataong ayusin ang kanilang naging problema.
“‘Yung totoo n’yan, maayos na kaming dalawa. Nag-sorry s’ya sa ‘kin,” pahayag ni Marian.
“So from there, alam n’ya na may mga nangyari na ‘di naman talagang nangyari. Para sa ‘kin, ‘di ko na kailangang i-explain sa social media,” dagdag niya.
Mas pinili na lang daw niyang manahimik sa loob ng maraming taon dahil kahit magsalita naman daw siya ay paniniwalaan pa rin ng publiko ang gusto nilang paniwalaan.
“Okay na ako ru’n. Ang mahalaga, ‘pag nagkikita kami, okay na kami. At napatawad ko na s’ya,” sey pa ni Marian.
Bagama’t hindi na tinukoy pa nina Vice at Marian kung sino ang aktres, pinaniniwalaang may kinalaman ito sa teleseryeng pinagsamahan noon nina Dingdong Dantes at Bela Padilla.
BIBIDA sa vertical serye ang Kapamilya actress na si Jane Oineza bilang sunud-sunurang asawa na matutuklasan ang kanyang itinatagong alindog para maghiganti sa mister niyang taksil sa bagong iWant affair drama na The Perfect Wife (TPW), na mapapanood simula Oktubre 30 (Biyernes).
Bukod sa pagtataksil at paghihiganti, iikot din ang vertical serye sa tema ng women empowerment na ipapakita sa pagbabago ng karakter ni Jane na makikita ang kanyang tunay na halagang higit sa pagiging simpleng maybahay.
Sa produksiyon ng JRB Creative Production, sesentro ang serye kay Jem (Jane) na isinakripisyo ang kanyang matagumpay na karera para maging butihing asawa ni Aries (Rafael Rosell). Ngunit matutuklasan niya ang pagtataksil ni Aries nang malamang kalaguyo nito ang socialite na si Rafaela (Aya Fernandez).
Dahil dito ay nagpasya siyang baguhin ang kanyang sarili para mahalin muli ni Aries. Dito niya makikilala si Diane (Tootsy Angara), isang separada na makikisimpatya sa kanyang pinagdaraanan, kaya naman magsisilbi siyang fairy-godmother niya na magiging susi sa pagtuklas muli ng kanyang alindog at tutulong sa paglantad ng kataksilan ng kanyang asawa.
Ang TPW ang pinakabagong vertical affair drama serye ng iWant magmula nang ipalabas nitong taon ang Twist of Fate na pinagbidahan din ni Rafael kasama sina Yen Santos, Angelica Lao, at Tony Labrusca.
Panoorin ang bigating glow-up ni Jane sa The Perfect Wife na mapapanood ang lahat ng episodes simula Oktubre 30 sa iWant. Libre namang ipapalabas ang unang limang episodes nito sa TikTok, Facebook (FB), at YouTube (YT) pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.





Comments