top of page
Pokwang.jpg

Nag-rescue gamit ang surfboard…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
2 min read

HIRIT NI ECHO: BAHA SA MARIKINA DAHIL KAY ULYSSES, MAS MATINDI SA ONDOY

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 13, 2020




Malapit talaga ang puso ng aktor na si Jericho Rosales sa mga taga-Marikina City na lubog sa tubig-baha nitong Huwebes dahil sa bagyong Ulysses.


Tubong-Marikina si Jericho dahil bago siya nag-artista ay dito siya nakatira at hanggang ngayon ay nandoon pa rin nakatira ang mga kapatid at pamilya niya.


Kaya naman nang malaman niyang lubog na ang nasabing bayan ay kaagad silang tumulong sa rescue operation ng mga biktima ng tubig-baha — kasama ang asawang si Kim Jones — sa may Tumana na malapit sa ilog ng Marikina.


Gamit ang kanilang mga surfboard ay nilusong nila ang baha para tulungan ang mga kapitbahay nilang na-trap sa kani-kanilang tahanan na nasa Tumana.

Base sa panayam ng aktor sa ABS-CBN News, “This morning, paglabas namin, baha na. Usually, kapag baha rito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes, walang boats or floatation devices, so naglabas kami ni Kim ng surfboard.


"Okay naman (mga residente), safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nu’ng rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats.”


Parang naulit na naman daw ang nangyari noong Ondoy, 2009 sa bagyong Ulysses pero sa pakiwari ni Echo ay mas matindi ngayon.


“Wala akong data or facts, pero in a sense na hindi natin nalaman na tataas nang ganito (baha), mas malala ito para sa akin. Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila, ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on nangyari na before, tapos caught by surprise na naman tayo na ganito, I think in that sense, medyo mas malala ito,” kuwento ng aktor.


At ang payo ng aktor sa mga kababayan, “Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything, so mas maganda, kung tayo mismo in the future, we can prepare.


"It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga rescuers. Of course, support the rescuers. I hope they get enough funds for rescue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page